Dedicated po kay: blueescapade thanks!
DANELLE's point of view
"Danell-- omygosh.."
Sabay kami ni Ice mapatingin doon sa may pintuan. At talagang nanlaki ang mga mata 'ko nung makita 'ko kung sino yung tumawag saakin.
Mabilis akong tumayo mula sa itaas ni Ice at tumakbo palapit kay Krystal. Niyakap 'ko siya at sinabing sorry.
"Bestie, sorry." Mahinang sabi 'ko, "Ginulat kasi ako ni Ice, it's not what you think. Sorry." page-explain 'ko.
Nakayakap ako sakanya pero siya hindi manlang ako niyakap pabalik. Galit na siya. Galit siguro siya.
"Krystal, i'm sorry." Ulit 'ko at hinigpitan ang yakap sakanya, "Wag ka namang magalit oh? nagulat lng talaga ako kasi ginulat niya ako. Please."
Nagui-guilty talaga ako. Feeling 'ko ang sama sama kong bestfriend.
Hindi parin siya nagsalita kaya kumawala na ako sa yakap 'ko sakanya at tinitigan siya. Hinawakan 'ko ang kamay niya at nagsalita.
"Bestie, sorry na." Mahinang sabi 'ko.
Tumingin lng siya saakin at walang emosyon ang makikita sakanyang mukha lalo na sa mata niya. Blanko lng siya.
Tumingin naman siya kay Ice na ngayon ay nakatayo na lumapit siya saamin.
Tumabi saakin si Ice at tinitigan din si Krystal. Ngayon, nagtitigan silang dalawa. Hindi 'ko mapagtanto ang emosyon ni Krystal eh.
"Bakit kailangan mong mag sorry sakanya, Danelle?" Tanong saakin ni Ice, "Anong kasalanan mo? At anong karapatan niya para magalit sayo?"
Nagulat ako sa mga sinabi ni Ice. Ano bang sinasabi niya?! Alam naman niyang gusto siya ni Krystal ah? Bakit ganon ang mga lumalabas sa bibig niya?
"Ice, hindi naman--" Hindi 'ko natapos ang sasabihin 'ko dahil nagsalita nanaman si Ice.
"Kaano ano 'ko ba siya?" Dinuro niya si Krystal at tumingin saakin, "Girlfriend? Si Cindy ang girlfriend 'ko hindi 'yan."
Napatingin ako kay Krystal at may namumuo ng luha mula sa mga mata niya at alam kong pinipigilan niya lng iyon.
"Ice tumahimik ka na." Seryosong sabi 'ko at hinawakan ang braso ni Krystal.
Alam kong nasasaktan siya sa mga sinasabi ni Ice. Paanong hindi? eh gustong-gusto niya si Ice. Hindi 'ko namang hahayaan masaktan pa lalo si Krystal.
Akala 'ko tatahimik na siya hindi papala.
"Alam mo ba? naiinis ako sa mga 'fangirls' eh. Alam niyo ba 'yon? Hindi naman kayo nakakatuwa! nakakabingi lng kayo!" Nanlaki ang mga mata 'ko dahil doon, "Kaya minsan nag aaway kami ng girlfriend 'ko dahil sainyo! may girlfriend na nga yung tao, grabe pa kayo kung maka 'I love you' diyan. Wala ba kayong respeto, huh?!" Ano bang sinasabi niya?!
"Tama na Ice!" Sigaw 'ko, "Hindi mo ba alam na nakakasakit yang mga sinasabi mo?!"
Napatingin saakin si Ice at kumunot ang noo niya, "Bakit? totoo naman kasi ang mga sinasabi 'ko Danelle." Lumapit siya kay Krystal at dinuro nanaman niya ito, "Kaya ikaw, lumayo ka na saakin dahil wala ka namang mapapala. Hinding-hindi kita magugustuhan. Kaya itigil niyo na ang pagkabaliw niyo!"
"ICE!" Nagpipigil ako ng galit dahil nakakainis naman yung sinasabi niya. Kailangan niyang intindihin na bestfriend 'ko ang sinasabihan niya ng ganon. "Hindi ba sinabi 'ko tumigil ka na?" Nilayo 'ko si Krystal sakanya.
