#MYFANGIRL 3

661 30 9
                                    

#3

KRYSTAL's point of view.

Nandito na kami sa school namin at sobrang dami ngayon ng students sa labas. Well, doon sa may field kung saan naka post ang mga sections at kung sinu-sino ang bagong classmate mo.

"Tara doon?" Aya saakin ni Allen habang nakatingin doon sa may field.

Tumango ako at hinila na niya ako. Kung kanina ako ang humihila sakanya pwes ngayon siya naman. Ang galing diba?!

Muntik 'ko na palang hindi maikwento sainyo yung nangyari kanina. Doon sa bahay nina Allen.

Pagpasok kasi namin ng bahay, andoon si tita Maricel---mommy ni Allen--- nanonood tapos nung nakita niya ako, sobrang laki ng ngiti niya at niyakap niya ako.

At alam niyo ba.. akala niya girlfriend niya ko?! At ito pa ang malala... HUHUHUHU

#MYFLASHBACK

"Anak!" Sambit ng mommy ni Allen, "Kamusta ang jogging?" niyakap naman niya si Allen.

Magsasalita na sana si Allen pero nung nakita ako nung mommy niya, malaki ang ngiti niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Siya ba ang girlfriend mo? What a beautiful lady!" Pagkayakap niya saakin, pinagmasdan niya ang buong mukha 'ko.

Pero ano daw?! Ako? Girlfriend ni Allen?! HINDI!

"Ma!" Sambit ni Allen, "H-Hindi 'ko siya girlfriend, wag mo naman sana-- ma! naiilang na si Krystal sa'yo oh!" Bigla akong hinila ni Allen palayo sa mommy niya at hinawakan ako ng mahigpit.

"Sorry, mahilig kasi sa magaganda si mama." Bulong niya saaki at tumingin na ulit sa mommy niya, "Ma naman, hindi 'ko siya girlfriend."

Nag pout naman yung mommy niya. Woahh! ang cute naman. Alam niyo, kahit 30+ na si tita or kung ano man ang age niya, napaka ganda niya.

Kung hindi nga lng niya sana tinawag si Allen na "Anak" kanina pagka pasok namin dito sa loob, iisipin kong kapatid siya ni Allen. Sobrang ganda niya eh.

Lumapit saamin yung mommy niya, "Sorry ija, akala 'ko lng." Pagpaumamhin niya, "Pero napaka gandang dalaga naman niya! wala ba kayong something? Hindi ka ba nililigawan ni Allen? M.U? Ano?" sunod sunod na tanong ni tita pero nanlaki lng ang mata 'ko sa gulat.

"Ma!" Saway nanaman ni Allen sa mommy niya, "Wala. Hindi. Mag kaibigan lng po kami, FRIENDS."

Tumango tango naman ako para maniwala ang mommy niya. Jusko po, Lord.

umiling iling naman ang mommy niya, "No." Sabi niya, "Sure akong girlfirend mo siya, anak." Seryosong sabi niya, "Siguro hindi pa kayo handang sabihin saamin pero hihintayin 'ko iyan, gusto 'ko na si Krystal para sa iyo, anak. Mukha palang niya, napaka inosente na."

Hindi ako makagalaw o makapagsalita. Tanging paghinga 'ko lng ang nagagawa 'ko. Nga nga ako sa sinabi ni tita!

Pero.. HINDI NAMAN NIYA TALAGA AKO GIRLFRIEND EH! T^T Ano bang meronsamga mommies ngayon? HUHUHU.

"Ma hindi nga sab---"

"Shhhh." Pagpapatahimik niya kay Allen, "Listen, Allen." seryosong sabi niya, "I want to have dinner with Krystal and her family." tumingin siya saakin, "I want to meet your family and know more about you," Ngumiti siya, "Perfect couple! kaya okay lng na kahit kailan niyo sabihin saamin, basta alam naming kayo na. Okay?"

My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon