#12
KRYSTAL's point of view.
Nakauwi na kami sa bahay at sobrang pagod na pagod ako ngayon.
Akala 'ko talaga banner lng ang gagawin namin kanina yun pala pinaggawa kami ng cheer with steps pa.
Tapos daw ituturo namin 'yon sa mga Willford na manonood ng game.
"Oh anak, kamusta?" Muntik 'ko ng mahulog ang basong hawak hawak 'ko dahil biglang sumulpot si mommy.
"Ah mom! you startled me. Uhmm okay naman po, medyo pagod." Sagot 'ko sakanya, "You want anything, mom?" tanong 'ko, "Water? Juice? Coffee? Milk? Soft drinks? Wine?" Offer 'ko.
Umiling lng siya at ngumiti, "No thanks dear, i'm good." sabi niya, umupo naman siya sa sofa namin. "By the way, I heard from Allen that may game sila next week sa Peyton?"
Oh, paano niya nalaman kay Allen 'yon? Stalker na ba ni Allen si mom? Ghaaad what!! >_>
"Mom.. I know sobrang boto ka kay Allen at naga-gwapuhan ka sakanya pero bakit naging stalker ka na niya?" Nawi-weird-uhan kong tanong sakanya at nilapag ang baso sa coffee table.
"Anak naman! I'm not his stalker...YET.." Nanlaki naman mata 'ko 'don pero tumawa siya, "Kidding! but, I called him earlier asking where you guys are.. and he mentioned that you two at yung iba pa ay nasa Peyton hanggang sa nabanggit niyang may game pala sila next week."
"Oh okay. Sayang nga mom, hindi sila ang ichi-cheer namin. Instead, Peyton ang ichi-cheer namin." Nag pout naman ako.
Nakakainis lng isipin na Peyton ang ichi-cheer namin at bibigyan ng motivation kesa saaming team which is Willford Tigers.
Diba? Kaasar lng! Hindi 'ko tuloy maichi-cheer ang aking loves na si Ice! Huhuhuhu! sadlife fangirls!
"What? Why?" - Mom
Nagkibit balikat ako, "Hindi 'ko din alam mom, nakakaasar nga eh."
Ngumiti siya at tumayo. Linapitan niya ako at hinawakan ang aking kamay, "I understand why you are upset, Krystal." sabi niya.
Huh? Ano daw? Upset? Hindi ako upset, naasar lng. Upset daw hahaha!
"Because you can't cheer your boyfriend, Allen."
*coughs*
"Ehem! ehem! Uhmm.. what mom?" Ang kulit din ni mom! hindi parin magpatalo? Eh kami naman ang panalo?!
Seryoso.. hindi 'ko naman boyfriend si Allen. Mag bestfriend lng kami, hindi ba niya maintindihan??????????
"Hanggang ngayon parin ba dine-deny mong boyfriend mo siya? Gosh Krystal, it's been a week and we already had dinner with his family." Bakas sa mukha ni mommy ang pagkainis.
Well mas naiinis ako kasi ayaw nila ako paniwalaan.
"Ma! I told you he's not, mag bestfriend lng talaga kami at alam mo namang mahal na mahal 'ko si Ice? Loyal ako mom!"
Tumayo siya at ginulo ang buhok, "Fine, whatever you say Krystal. Sige, tutulog na ako. Goodnight Krystal." Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na.
Ako naman, nagstay muna ako dito saglit hanggang sa naisipan kong pumasok na din sa kwarto 'ko para matulog.
Pinatay 'ko na ang ilaw at naiwan ang lamp 'ko na nakabukas. Both sides ng bed 'yan!
"Goodnight Ice!" Sambit 'ko habang nakatingin sa mga pictures ni Ice sa wall 'ko.
As if naman na sasagot si Ice diba? Lol. Uso naman mangarap! Sulitin na po.
Nahiga na ako ng ayos at kinumutan ang sarili. Grrr~ ang lamig sa kwarto ko. Pero ayaw 'ko naman hinaan, 'no.