Krystal's point of view
"Bestie I think you should go talk to him." Lumapit saakin si Danelle at sinabi iyan.
Hindi ako nakasagot. Bakit ko naman siya kakausapin diba? Wala naman akong kasalanan sakanya.
"Oo nga Krystal, mukhang nagseselos kasi si Rich napatawad mo na habang siya hindi pa." Lumapit na din saakin si Kai, "Tyaka... mas malaki ang kasalanan sayo ni Rich. Siya ang may kagagawan nun.. hindi ka lng nailigtas ni Ice."
Napaisip ako sa binulong ni Kai. Tama siya. Si Rich ang may kagagawan ng lahat pero siya parin ang nauna kong patawadin.
Pero sana kasi kung tinulungan na ako ni Ice agad eh hindi ako magtatanim ng galit sakanya. Kaso wala eh, wala siyang pakielam saakin.
Tyaka yan ba ang papatawadin ko? Ni hindi nga siya nag sorry nung napaso ako. Ang cold niya ulit saakin.
"Just go Krystal, talk to him to settle things up." Sabi ni Xyrie habang nakaakbay si Xander sakanya.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Fine. I'll talk to him. Umahon na ako sa pool at sinenyasan si Allen na palabasin na ang isa pa naming surprise which is Jadine and Lizquen.
Oo. Kanina pa sila nasa hotel at baka nabobored na sila don. Simula nung party hindi namin pinalabas, madami kasing tao and sinuggest din iyon nung manager nila. Selfish ba? Hay.
Pinahid ko muna ang buong katawan ko ng towel at sinaklob iyon saaking katawan.
Umahon din si Allen at pumasok sa hotel kung saan naroroon ang mga artista. Ako naman pumasok lng ako sa reception kung saan pumasok si Ice kanina.
Hinanap ko na si Ice pero wala naman akong makitang Ice Sanford dito kaya nagtanong na ako dun sa reception.
"Uhm excuse me po?" Tumingin siya saakin at ngumiti, "May nakita po ba kayong lalake na naka black shorts na galing sa swimming pool." Sabay turo ko sa pool kung saan kami nagsu-swimming.
Nagisip naman siya at sinagot din ako. "Ah si mr. Sanford ba?" Tumango naman ako. "Andito lng siya kanina nagsecellphone tas dumating ung anak ng may ari ng resort na ito and mukhang magkakilala sila kasi sumama siya doon sa babae."
Kumunot naman ang noo ko. May ari ng resort? Sino naman yun? Kilala niya si Ice? "Ah sige po thankyou. Saan po pala sila nagpunta?"
"Hmm ewan ko lng eh basta lumabas sila dyan." Sabay turo niya sa entrance and exit.
Tumango ako at pinasalamatan na siya. Lumabas na ako ng reception at hinanap si Ice. Saan naman kaya sila nagpunta? At kasama pa siya ng may ari nito. Edi siya na!
*wooooooshhh*
Ay grabe ang lamig. Ano ba yan, dapat mamaya nalang kasi eh. Alam namang nagsu-swimming hays.
Nagdiretso nalang ako dahil hindi ko talaga alam kung saan hahanapin si mr yelo na yun. Baka nilamon na ng lupa eh. Mahirap na.
"Ice!" Sigaw ko. Wala naman akong ikahihiya dahil walang tao dito kundi ung mga bantay. "Yoooohoooo Ice nasan ka?" Galing lng noh? Kala mo bati kami.
"Bwisit Ice kapag hindi pa kita nakita, babalik na ko dun." Sabi ko sa sarili ko at niyakap ko pa ang aking sarili. Ang lamig kasi talaga eh 'di ko kaya.
Napunta ako dito sa may mga restaurants. Bukas ung mga ilaw ibig sabihin, open pa sila. Sumilip ako sa loob kahit dito lng ako sa labas. Malay natin andyan pala siya diba?