36: MARINA CAMP PT1
Marina Camp Day 1. Sunday 4:30 AM
Cindy's point of view
Nagising ako dahil sa matinding alarm ni Valerie. Binato 'ko siya ng unan dahil hindi manlang siya gumalaw at nagmulat ng mata.
At alam niyo ba ang alarm tone ni Valerie? Kanta siya ni James Reid, Wag ka ng humirit. Kaya talagang nagising ako dahil nagulat din ako.
Hindi parin siya gumalaw kaya bumangon ako para gisingin siya, "Val wake up! 4:30 na." Gumalaw siya pero tinakip niya ang unan sakanyang mukha.
Aba itong babaeng 'to! Nagalarm alarm hindi rin naman pala babangon? Walang kwenta ang pagaalarm niya.
Hinila 'ko siya at nagising na ang kanyang diwa. Mabait ako, pero kapag nagising hindi na. "Bumangon ka na nga! Ihanda mo na breakfast natin."
Kinuha 'ko ang towel 'ko sa hook at pati narin ang mga damit 'ko, meron saaming ibinigay na team shirts and jackets. May color code din iyon.
Saamin ay Yellow tapos may logo ng Willford. Sa gilid naman, doon sa may shoulders ay may nakalagay na T2. Which means Team 2.
"What?! Bakit ako lng? At least tulungan mo ako." Pagiinarte niya.
Umirap ako at hinarap siya, "Maliligo muna ako kaya dalian mo at maghilamos ka na para makaligo na ako." Naupo ako sa kama niya at siya naman ay pumasok na ng cr.
Hinintay 'ko siyang makatapos at lumabas. Kinuha 'ko ang phone 'ko at nakitang may text ni Adrian.
Fr: Adrian
Goodmorning. I love you :)
Napangiti ako. Lagi akong nakakatanggap ng text mula kay Adrian. Every night, every morning. Kung hindi text ay tawag.
Hindi 'ko ineexpect na hahantong kami ni Adrian dito. Kung anong meron kami ngayon. Hindi 'ko pa siya sinasagot pero patuloy siyang naghihintay.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Gustong gusto 'ko na siyang sagutin. Gusto 'ko na siyang ipakilala bilang boyfriend 'ko pero hindi 'ko pa kaya eh.
I'm not ready yet. I'm still waiting for that day to come and I hope, I wish.. when that day comes hindi pa rin siya pagod. Ayokong sumuko siya saakin. Mahal 'ko din siya pero natatakot pa ako sumabak sa isang relasyon.
I was hurt already. By Ice, ako ang naghahabol. Kaya ako ang nasaktan. Ako nalang lagi, pinilit 'ko pa nga siyang maging kami. Hindi siya pumayag pero dahil mahal na mahal 'ko siya, lahat ng pwedeng paraan ay ginawa 'ko mapasakin lng siya.
But I was pathetic. Na realize 'ko na hindi lahat ng gusto mo, ay mapupunta sayo. Hindi lahat ng taong mahal mo, mamahalin ka din. That's why I decided na lumayo nalang kay Ice.
And that was when nakilala 'ko sina Adrian at Kai. Sobrang close naming tatlo, Kai's my bestfriend. He's always there for me pero hindi tumibok ang puso 'ko sakanya. Just like him, hindi rin tumibok ang puso niya para saakin but for Misty. Ang puso 'ko ay tumibok kay Adrian.
At first I kept on denying na wala lng ang nararamdaman 'ko. Pero habang tumatagal naiinis at nagseselos ako kapag binabanggit niya ang pangalan ni Icy. Ayaw 'kong naririnig ang pangalan niya mula sa bibig ni Adrian.
And that's when I realized I like him. A lot.
"Hey? Kanina pa 'ko tapos." Natauhan ako nang makitang iwinawagayway ni Val ang kanyang kamay sa harap 'ko.
Tumayo ako at pumasok na sa loob ng cr. Nagsimula na akong maligo at alam 'kong nakalabas na si Val para mag handa ng iluluto.
***