KRYSTAL's point of view
"Nakatulog ka pa ba?"
Tumingin lng ako sakanya saglit at binalik ang tingin 'ko sa librong nasa harap 'ko.
Andito kami ngayon ni Allen sa mini garden ng school. Bigla nalang nag-aya eh. Nagkita nalang kami dito. Okay lng naman. Pero wala parin ako sa mood.
Narinig 'ko ang pag buntong hininga niya. Kita 'ko ring nakatingin siya saakin.
"Alam mo, mahal mo na eh." Sabi niya.
'Hindi ka nagkakamali, Allen.' sabi 'ko sa isip 'ko.
Aish. Totoo naman! mahal 'ko na nga si Ice. Kung dati fangirl niya lng ako, crush 'ko lng siya at palike-like lng. Pwes ngayon iba na, MAHAL 'ko na siya. MAHAL.
Pero alam niyo ba yung masakit?
Hindi niya ako pinapansin. Hindi niya ako kilala, nagawa niyang gawing bestfriend ang bestfriend 'ko samantalang ako hindi. Kahit kaibigan lng. Kahit mag "Hi." lng siya saakin, masaya na ako.
Kasi alam niyo, one sided lng ako eh. Ako lng ang nagmamahal, hindi siya. Kasi kahit hindi niya aminin, kahit hindi niya ipaalam, may mahal siyang iba.
Lahat naman tayo may mahal hindi ba? Katulad 'ko. May mahal akong hindi naman ako mapansin pansin.
"Oo nga Allen, oo nga." Iyan nalang ang sinagot 'ko sakanya at kinuha yung libro sabay bato noon sa baba. "Nakakainis!" sambit 'ko.
Bakit kaya sa taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik ako nainlove, huh?! Sinadya mo ba talaga iyon, tadhana? Malamang! dito ka naman magaling. Yung laro-laruin kami kahit sobrang nasasaktan na.
Bakit ka ganon ha, tadhana?! Nakakainis ka ha! wala naman akong ginagawa saiyo. Bakit ganito mo nalang ako pahirapan? huh?!
Okay lng sana kung hindi ako masyadong in kay Ice eh. Yung tipong fangirl lng na normal type. Yung hindi baliw na baliw sa ina-idolize niya or whatsoever. Basta yung normal lng!
Bakit hindi nalang ganon ang ginawa saakin huh?! Pwede namang ganon. Gusto mo lng ba talaga akong makitang nasasaktan? nahihirapan? umiiyak? ano?!
Aish. Bwisit na buhay! kung bakit kasi nakilala 'ko pa yang si Ice?! Ewan 'ko ba. Kailan pa ba niya ako fangirl? tsk. Siguro pag pinagpatuloy 'ko pa ito, baka aabot na ako sa puntong magpapakamatay.
Sinara 'ko ang mga mata 'ko at nagsisi ako dahil doon. Nakita 'ko si Ice! Nakita 'ko ang mukha ni Ice.
'Mag move on ka na agad, hindi talaga kayo itinakda ni Ice sa isa't-isa!' Huh?!
'Habang maaga pa, kalimutan mo na siya. Tumigil ka na sa pagiging fangirl niya! hindi ka naman niya papansinin eh. Kaya tumigil ka na. Masasaktan ka lng ng sobra!' Yung totoo, advice ba 'yan o mas lalo mo lng akong iniinis?!
'Hindi kita iniinis. Advice nga 'to, dahil masasaktan ka lng kay Ice! May mahal siyang iba!' Sino naman yung mahal niya, huh?! Sabihin mo nga!
'Basta hindi ikaw iyon kaya wag ka ng umasa. Sinasayang mo lng, magmahal ka nalang ng iba!' Hindi mo ako tinutulungan eh. Nakakainis ka ha!