[30]: MALAS
1 year had past...
ICE'S POV
"
Ice naman! Hindi ka ba talaga kakain, ha?" Halatang iritang-irita na si Danelle dahil ni isang beses hindi ko ginawang galawin ang pagkain na nakahanda sa harap ko. "Paubos na tong kinakain ko, hindi mo pa nagagalaw."
Inis niyang dagdag at uminom ng shake na kanyang inorder.
Wala akong gana para kumain. Isang taon na ang lumipas at ganito na lagi ako, lagi rin akong nakakatanggap ng sermon mula sa aking bestfriend dahil sa hindi ko pagkain.
"Busog ako, dalian mo nalang at male-late tayo sa mass." Iyan ang tanging sagot ko sakanya.
Dito kami nagbreakfast sa malapit na restaurant sa bahay ko. Umaga kasi ang mass na pupuntahan namin.
"Alam mo nakakagulat ka talaga eh. Bigla ka nalang nag misa every week simula nung nawala si Allen."
Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong hindi ko dahilan si Allen sa hindi ko pagkain at sa pag attend ko ng mass every week.
I have my own reason and that reason remains as a secret.
I heard her sigh, "You know at least 5 spoons Ice, you'll get hungry malayo ang St. Padre Pio."
Hindi na lamang ako kumibo at sinunod ang gusto niya. Sumubo ako ng lima at nang matapos kami ay nagbayad na ako tyaka kami umalis.
÷÷÷
"Manalangin tayo." Sabi ng Pari.
Lord, ibalik mo na saakin. I've been waiting for hours, days, weeks, months and now it has been a year. Don't you think it's too much already? Pumapalagi na ako dito o kahit saan mang simbahan para ipagdasal ang hinihingi ko saiyo. Tama na please, hirap na hirap na ako. Ibalik mo na siya.
"Amen." Sabay naming sabi ni Danelle.
Nanatili kami sa simbahan hanggang sa matapos na iyon. Hindi ako naninibago dito dahil halos every week dito kami nagsisimba ni Danelle pero nagsisimba din naman kami sa ibang simbahan. Halos masimbahan na nga namin lahat ng simbahan dito eh.
"Ano sa tagaytay tayo o sa MOA?" Tanong ko kay Danelle.
"Hindi ba masyado naman atang malayo ang MOA? Mapapagod ka lng I--"
"Hinding-hindi ako mapapagod lalo na't bestfriend ko naman ang dahilan kung bakit gagawin o pupuntahan ko 'yon, tandaan mo yan." Sabi ko sabay pisil sa kanyang magkabilang pisngi.
"Sige sabi mo eh, dun nalang din ako magsha-shopping."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "shopping nanaman?! Kaka-shopping mo lng kahapon ah."
Totoo naman eh! Nag SM kami kahapon at halos lahat ng shops ay napasukan niya. Tapos ako lng din naman ang magbubuhat ng lahat!
"Akala ko ba....?" Hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin at tinulak na siya papasok sa kotse ko. "Kaya mahal kita eh, bestfriend!"
Sinarado ko nalang ang pinto niya at pumasok na din sa kotse.
÷÷÷
Nakarating na kami sa MOA at sobrang daming tao ngayon. Palibhasa kasi Biyernes.
"Ang daming tao Ice, sinuggest mo pa kasi MOA." Reklamo ni Danelle.
"Mag shopping ka nalang, ako lahat magbabayad." Iyan ang sinagot ko para manahimik nalang siya. "Dun muna ako sa Apple, bibili ako ng charger."