#MYFANGIRL 18

453 22 2
                                    

#18

ADRIAN's point of view.

[Okay, bye baby ko.]

'Yeah, take care baby ko.'

Inend na niya ang tawag at nakangiting sumigaw ako.

"Yessss!!!!!" Nagtatalon na din ako.

Hindi ako bakla o ano pero masaya lng ako dahil pupunta akong Korea para mapanood ang comeback ng baby ko.

Oo comeback. Kpop Idol siya na nangangalang The Ark. Hindi na ako makapag hintay.

"OA lng Adrian? Nasa school ka paalala lng."

Tinignan 'ko lng si Cindy. Kasama 'ko nga pala siya ngayon, nasa garden kami. Nagaya bigla 'to eh.

"Sino ba kasi yung baby mo na yan huh?" Umiling lng ako.

"May tamang oras pa para maipakilala siya sayo." At sisiguraduhin kong magiging kami muna bago 'ko siya ipakilala sa'yo.

"Tss as if she's really special." Bulong niya.

Napatingin ako sakanya at nilapitan siya, "Cindy," Humarap naman siya saakin, tumango tango ako. "She is special to me, very special."

Hinintay ko siyang sumagot pero nanlisik lng ang mga mata niya at umirap.

Selos 'yan! Hayaan niyo na, ang gwapo 'ko kasi. ;)

"Tara na nga, baka ma-late pa tayo." Sabi 'ko at hinila na siya patayo.

Inakay 'ko na siya by means of pagakbay. Nagpadala naman. Sabi sainyo eh, may gusto saakin 'to.

***

Tapos na ang klase namin at uwian na. Hinahanap 'ko si Kai pero hindi 'ko makita.

"Uy, asan na ba si Kaigwapo? Kanina pa 'yon!" Kahit si Cindy naiinip na din, eh.

Usually, nauuna saamin si Kai ma-dismissed tuwing uwian. Siya ung naghihintay saamin.

Pero ngayon bakit kami ang naghihintay?

"Eh kung tinatawagan mo?" Sabi saakin ni Cindy.

Ang kulit talaga nito. "Kanina 'ko pa tinatawagan diba? Pero hindi nasagot, ang kulit ng lahi mo." sabi 'ko sabay pisil sa kanyang pisngi.

Mabilis niyang tinanggal 'yon at sinamaan ako ng tingin. "Masakit Adrian tsk. Pati tong nararamdaman 'ko."

"Alam kong masakit, pero ano yun? hindi ko narinig yung huli mong sinabi." Totoo naman eh. Bakit bigla kasing humina?

"Wala wala, hanapin nalang natin si--- Kaigwapo! Kaigwapo!" Nagtatakbo siya sa likod 'ko.

Kaya naman napatingin ako sa likod. Nakita kong andoon nga si Kai kasama si-- Teka.. si Misty?

Mabilis akong lumapit sakanilang tatlo. Hindi pwedeng wala ako!

"Pre, kanina ka pa namin hinahanap ni Cindy ni hindi mo sinasagot ang mga tawag 'ko." Sabi 'ko at hinampas siya ng mahina.

My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon