37: MARINA CAMP PT2, HUG
Nakarating na kami sa Marina camp at ang hangin masyado. Hindi 'ko alam kung si Adrian ba ang dahilan dahil wala na siyang ibang bukambibig kundi ang, "Gwapo ako."
Binatukan siya ni Xander at napasapo si Kai sakanyang noo. "Kanina ka pa. Hindi 'ko inaakalang magiging mahangin ka, bestfriend." Sabi ni Kai.
"Langya ka Xander! Halika ikaw babatukan ko!" Nilapitan niya si Xander na walang expression ang mukha.
Akmang babatukan niya na si Xander ng pigilan siya ni Cindy. "Ituloy mo Adrian at hindi kita sasagutin."
Lumayo agad si Adrian kay Xander habang si Xander naman ay nakangisi lamang kay Adrian. Under pala ang isang ito. Takot ma reject! Hahaha.
"Nako sana tinuloy mo, pagkakataon na ni Cindy na mareject ka eh." Hinampas naman ng mahina ni Adrian si Chase. "Hahaha biro lng!"
Natahimik na sila dahil kinakailangan ng ibaba ang mga gamit namin. Magkakasama kami sa bus. Hinalo ang class namin sa class nila.
"Wag na muna mayo bumaba, paunahin niyo kaming mga lalake para kami na ang magbaba sa inyong gamit." Sabi ni Breydon.
"Ano?!" Sigaw ni Chase, "Anong tayo ang magbababa? Hindi pa ba sapat ang sakit at hirap na dinanas natin noong binaba natin ang mga maleta nila sa penthouse?!"
Nakatanggap ng malakas na sipa si Chase kay Rich. Napa sigaw ito sa sakit at nabitawan ang dala niyang bag. "Magbabayad ka captain huhu" hinaplos niya ang kanyang masakit na parte sa likod at naunang bumaba.
Nagsisunudan na yung ibang boys at gawa ng sabi ni Breydon na sila na ang magbababa ay nanatili kaming nakaupo saaming pwesto.
Naunang bumalik si Chase dahil siya ang kauna unahang bumaba. Linapitan niya si Val at kinuha ang gamit nito. Dalawa ang maleta niya na may isang bag at maliit na bag pa.
Binelatan lng ni Val si Chase nang makalapit ito. "Sarap ibato sayo 'to!" Masunget na sabi ni Chase.
Umirap si Val, "Huh try me babe." Sabay taas nito ng kilay.
Hindi nalang siya pinansin ni Chase at bumaba na ulit. Nakakatawa pero nakakaawa din siya. Nakakaawa kasi ang payat na nga niya, mas papayat pa siguro gawa ng dinadanas niya ngayon.
Nakakatawa kasi yung mukha niya panget. Joke lng!
Magkasunod na pumasok sina Ice at Allen. Naibaba na ni Ice ang gamit ni Danelle kaya wala na siya rito.
Pareho silang papalapit malapit saaking pwesto. Inalis ko ang tingin kay Ice at tumingin nalang sa bintana.
Naramdaman kong may kumuha ng aking maleta at gamit. Tumayo ako at hinarap ang kung sino man ang naghila 'non.
Napatingin ako kay Allen. Masama ang tingin niya kay Ice na hawak hawak ang aking maleta.
Wait, maleta ko?!
"Ako ang magbababa niyan." Matigas na sabi ni Allen at hindi parin inaalis ang kanyang tingin kay Ice. "Hindi ikaw."
Kukunin na sana ni Allen ang aking mga gamit ng ilayo ito ni Ice sakanya. "Ako ang nauna. Humanap ka ng iba, kailangan pa ba pumili?" Tanong nito at ngumiti ng nakakaloko.
Ngayon, si Allen naman ang ngumisi. "Kailangan pumili? Sayo ko ata kailangan itanong yan." Tumingin siya sa likod niya at binalik ang tingin kay Ice, "Madami kang nilampasan sa likod pagpasok, dito ka dumiretso. Hindi ba't pagpili ang ginawa mo?"
