#MYFANGIRL 9

482 22 4
                                    

KRYSTAL's point of view.

Limang araw na ang nakalipas at nakapag dinner na kami ng family ni Allen pati nila Danelle.

Nothing special naman. We just ate and talked about something.

Well, hanggang ngayon hindi parin sila naniniwala na hindi talaga kami mag boyfriend-girlfriend *gulps* ni Allen.

Sila naman kasi. Bakit ganon nalang mag react? Ayaw maniwala sa sinasabi namin eh sa totoo naman na mag bestfriends lng kami!

Pero sige, change topic.

Sa loob ng limang araw na iyon, bumalik na sa normal ang takbo ng buhay 'ko.

Tuwing umaga, nagja-jogging parin ako bago pumasok.

Every morning inaabangan 'ko si Ice. Pero hahadlang naman si Cindy. That queen beetch.

Magkasama na rin kami ni Danelle at minsan, nagagalit si Ice kasi daw iniiwan siya ni Danelle.

Hi ako ng hi kay Ice pero dinedeadma lng ako. Wala siyang magagawa, mahal 'ko siya at hindi 'ko siya susukuan, 'no.

"Bestie! nagde-day dream ka nanaman?"

Bumalik ako sa aking sarili nung nagsalita si Danelle.

Yup si Danelle. Kasama 'ko siya ngayon at andito kami sa canteen. Inabot niya ang vacant 'ko kaya kasama 'ko siyang kumain ngayon.

Nagtataka siguro kayo kung bakit wala si Allen na dapat kasama 'ko ngayon at si Ice naman na dapat kasama ni Danelle pero dapat, ako talaga, eh wala ngayon?

Well, hindi naman sila literal na absent dito sa school. Nasa gym lng sila. Naliligo ng kanilang sariling pawis dahil todo practice sila.

May game kasi sila next month at take note, 1st day ng May pa. Pero ang ipinagtaka 'ko, nag start na sila mag practice last week.

Naaawa nga ako kay Allen at siyempre kay Ice, dahil sobrang nagpapagod sila dahil lng sa pagpe-prepare para sakanilang upcoming game.

Wondering kung saan gaganapin ang game? Sa Peyton university.

Ang Peyton University ay isa sa mga 'Popular' universities dito sa Philippines. Matataas din ang standards nila.

Ewan 'ko lng kung bakit ang sama ng dugo at ang init ng mga ulo nila saaming mga taga Willford. Wala naman akong maalala na ginawa naming masama?

Wala kaming nakaaway or anything. Basta, wala talaga! Fair lng kami sakanila. Friendly naman kami pero meron talagang mga "Mayayabang" *woosh* na mga lalake sa Willford. Sorry.

Nagsimula silang maginit ng ulo saamin noong first game ng Willford Tigers vs. Peyton Eagles. Nung natapos na yung game. Hindi 'ko talaga gets eh.

Pero alam niyo ba? Every game nila, Willford ang nanalo. Kaya naman sobrang proud ni Ice dahil siya ang team captain at siyempre ang kanilang coach na si sir. Lay.

Masaya din kami 'no. Aba, team namin ang Willford tigers!

"Hindi ah. May naisip lng ako." Sagot 'ko kay Danelle. "Tapos ka na ba kumain?" inayos 'ko ang pinagkainan 'ko dahil tapos na ako.

"Oo, ikaw ba?" Tinignan niya ang plato 'ko at napatango. "Nag text si Ice kanina, pinapunta niya ako sa gym. Manood daw ako ng practice nila, tara?"

Bigla akong nabuhayan nung narinig 'ko ang pangalan ni Ice. Tatanggi ba ako? Siyempre hindi. Ayos nga at makikita 'ko si Ice!

Inunahan 'ko na siyang tumayo at mabilis na hinila si Danelle. Basta pag kay Ice, hindi ako magpapahuli kahit dine-deadma niya lng ako.

"Bilisan mo! Makikita 'ko ulit si Ice." Masiglang sabi 'ko at binilisan pa ang paglalakad.

My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon