Krystal's point of view
Nandito kami ngayon sa living room ng penthouse. Notebooks, books, pens, laptops, and snakcs. Lahat 'yan naka kalat dito sa table at sa sofa. Nagaaral kami para sa exam next week at start na pala ang hell week.
"Ang ingay mo Adrian! Lumabas ka na nga kung di ka magaaral." Pagtataboy sakanya ni Cindy.
Pano ba naman si Adrian kanina pa kumakain habang nagaaral tapos minsan tatawa nalang sya bigla. Hindi ko sya maintindihan eh, bigla bigla tatawa? Baka naman nabaliw na sya eh.
"Sorry na titigil na po basta sagutin mo na ako?" Sinamaan sya ng tingin ni Cindy at nag peace sign lng ito.
Bumalik na sya sa pagaaral at ako naman ay tinignan ko ang wrist watch ko. 7:30 na pala. Kanina pa kami nagaaral at si Chase, wala parin. Nasaan na kaya ung kesong yun? Masyado naman atang naaliw sa babae nya.
"Si chiz escu kanina pa wala, hindi pa ba uuwi yun?" Tanong ko sakanila. Busy silang lahat sa pagaaral, pag gawa ng research paper at sa pag nguya. Like me. "7:30 na oh?"
Nagtinginan sila sa wall clock, "Oo nga noh? Pre tawagan mo nga." Sabi ni Breydon kay Xander, "Wala na kong load."
"Bakit? Hayaan mo yun. Malaki na yun bahala na sya kapag bumagsak sya sa exam." Ayos talaga yang si Xander eh, walang pake sa kaibigan tsk tsk.
"Hindi kasi wala tayong ulam, magpabili ka na sana sakanya bago umuwi." Sagot naman ni Breydon.
Ay oo nga noh? Wala kaming ulam. Nakakatamad din naman mag luto kasi ilang oras na kaming nagaaral nakakapagod din noh. Tyaka mas okay kung pag tayo mo kakain ka nalang. Ay ganon Krystal? Hahaha.
"Oo nga pala di ko naisip yun." Sabi nya naman at kinuha na ang kanyang cellphone. "May 20 missed calls ang loko. Ano kayang nangyari?" Oh? 20 missed calls?
Dinial na ni Xander ang number nya at maya maya ay sumagot na si chiz. "Hoy Escudero nasan ka? Kanina ka pa namin hinihintay gutom na kami, wala ka bang awa? Bumili ka ng ulam bago umuwi. Bye."
Binaba na nya ang tawag kahit hindi pa ata nakakasagot si Chase. Iba talaga tong si Xander eh, kahit kailan.
"Uy teka may missed call din sakin si Escu?" Pinakita saamin ni Adrian ang phone nya.
"Oh sakin rin?" Si Kai naman yan. "Mga 12 missed calls."
"Hala anong nangyari dun?" Tanong ni Misty, "Meron din saakin eh."
Naka silent kasi ang phone namin, ung iba naman naka close talaga. Chineck ko naman ang phone nagbabakasakaling meron din syang missedcall saakin.
At nagulat nalang ako nung meron nga. Ano bang nangyari dun at lahat ata kami ay tinawagan nya? "Bakit may missedcall din sya saakin?" Tanong ko.
Nagsikuhaan na sila ng phone at nakitang may missed call din sila galing kay Chase at ang pinaka marami pa ay kay Rich. "May ginawa ang loko." Sabi nya saka dinial ang number ni Chase.
Ni loud speaker nya iyon para marinig naming lahat at hinintay naming makasagot sya.
"Anong ginawa mo? Bakit ang dami mong missedcall?" Tanong ni Rich nung masagot na ni Chase ang tawag.
Nagsitigilan naman kami sa pagbabasa at hinintay ang isasagot nya. Pero nagulat kami nung hindi sya ang sumagot. "Hello? Ikaw ba ang kaibigan ni Chase Willford?"
Boses lalake at halatang hindi namin kasing tanda. Sino naman yun?
"Oo bakit? Sino ka bakit nasayo ang phone nya? Ninakaw mo?" Diretsong sabi ni Rich.