#MYFANGIRL 11

461 24 2
                                        

KRYSTAL's point of view

"Ano 'yon?! Eh taga Willford tayo pero bakit atin ang Peyton?!"

Nandito kami ngayon sa loob ng arts room.

Naggagawa kami ng banner para sa Peyton.

Nagtaka nga kami kung bakit Peyton ang ichi-cheer namin when in fact, taga Willford naman kami.

Ang gulo naman talaga oh!

Ito kasi ang nangyari.

FLASHBACK

"Okay ka na ba talaga?" Tanong saakin ni Allen.

Andito kami ngayon sa mini garden ng Peyton. Sinamahan muna ako ni Allen dito dahil hindi daw ma-contact sina Danelle.

Iyon ang ipinagtaka 'ko, hindi sila lahat sumasagot.

At oo nga pala, si Allen ang naka kita saakin nung umiiyak ako.

"Oo okay na ako. Medyo nasaktan lng." Sagot 'ko at pilit na ngumiti.

"Sabi na nga ba. Mag move on ka na! Mismong pagtanggol lng, hindi niya pa magawa." Naiinis niyang sabi at kinuha ang kanyang phone.

"Ano ka ba naman, ano ba naman kasi ano sakanya para ipagtanggol niya?" Sabi 'ko at humarap sakanya.

Napailing siya at, "Tss." nalang sabay tingin sa langit. "Alam mo ba.."

Tinaasan 'ko siya ng kilay, signal 'ko 'yon para sabihing 'ano?'.

"Wala."

"Tsk. Ewan 'ko sa'yo, Allen!" Umirap ako at umaktong nainis kahit ang totoo ay wala lng saakin 'yon.

"Chill, wag kang mag tampo diyan." Sagot niya, "Papanget ka niya, eh."

"Aish." Iyan nalang ang nasabi 'ko at hindi na siya pinansin.

Ilang minuto na kaming tahamik at wala talagang nagbalak na magsalita ni isa saamin.

Bakit, ang awkward ata namin ngayon? Parang hindi kami mag bestfriend ah. Ang tahimik tapos ayaw manlang niya mag open ng topic?

"Nga pala--"

"By the way--"

Nagkatinginan kami dahil sabay kaming nagsalita, tumawa lng ako at tinanguan siya.

"Ikaw muna--"

"You go first--"

Hinampas 'ko na si Allen dahil natatawa talaga ako. Biglang nawala yung awkward feeling namin 'non, ah?

"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong niya saakin.

"Uhm, ano kasi.. balak 'ko sanang puntahan si......" Nag pause muna ako at tumingin kay Allen. Nahihiya ako sa totoo lng pero.. "Ice." Ayan! nasabi 'ko na. >_<

Natigilan siya sa sinabi 'ko at humarap saakin. Tinitigan niya lng ako at dalawang minuto na ang nakalipas ay ganon pa din siya.

Ano bang meron sa mukha 'ko at todo titig ata saakin ngayon ang mga tao? May dumi ba sa mukha 'ko o sadyang nasobrahan ako sa kagandahan?

'Buhatin daw ba ang sariling bangka?!' wow, ano ako ngayon? masyado akong assuming ah. tsk.

"Huy?" Iyan ang sinabi 'ko sakanya para naman magsalita na siya 'no? natuyo ata lalamunan kakatitig saakin.

Eh? ano koneksyon ng lalamunan sa pagtitig? Huwaaaaw! mais 'ko naman.

"Wag na wag mong gagawin 'yan, Krystal." Seryosong sabi niya at tumayo, "Ayan na yung maga-assist sainyo, sumama ka na."

My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon