ICE's point of view.
"Tawagan niyo si Montarde, siya nalang ang wala." Utos 'ko sa mga teammates 'ko.
Kanina pa wala si Allen. Pero hindi na ako nagtataka kung sino ang kasama niya.
Sino pa nga ba? malamang lamang, si Krystal.
Tignan niyo? Pati bestfriend 'ko, naagaw niya.
Putek naman kasi. Okay ng solohin niya si Allen, kahit kailan pa, wag lng ngayon!
Ngayon kung kailan kami pupunta sa Peyton para sa adjustment. Tsk. Kung hindi lng talaga required pumunta lahat, hindi na ako sasama eh.
Kahit ako ang captain, wala akong pake. Ang mga team mates 'ko lng ang concern 'ko.
Bakit, ano bang pake at mapapala 'ko sa iba? Wala naman diba. So why care?
"Ice, ba't ayaw mo kontakin? Bestfriend mo ah." Napatingin naman ako kay Ken.
"Sinabi 'ko kayo ang tumawag, hindi ako. Ayoko ubusin ang load 'ko."
Sa totoo lng, hindi pa din kami nagkakaayos ni Allen. Eh ano naman? Alam ko namang mag sosorry siya sooner or later.
Nagsitinginan kaming lahat sa pintuan ng gym dahil may pumasok. "Ice! Si Danelle, tawagan mo daw. Wala siyang load eh." sabi ni Derrick.
"Paano mo naman--"
Bastos. Hindi ako pinatapos?!
"Nakasalubong 'ko, sabi niya tawagan mo daw." Tumango lng ako at kinuha na ang phone 'ko.
Lumayo layo ako ng konti at saka dinial ang number ni bestfriend.
Nakaka tatlong rings palang ay sinagot na niya ang tawag 'ko. Buti naman.
[Ice?]
"Huh? Multo ito."
[Tigilan mo nga ako Ice, tsk.]
"Hahaha kidding. Ano 'yon? Sabi ni Derrick tawagan daw kita. May problema ba? Okay ka lng? May masakit ba sayo? Asaan ka? Pupuntahan kita diyan."
[....]
"Danelle! bakit hindi ka sumagot? Ano bang nangyare sa'yo, huh?!"
[Joke! hahaha. Wala, pupunta din kaming Peyton. Anong oras kayo pupunta?]
Natigilan naman ako sa sinabi ni Danelle. Pupunta silang Peyton? Sinong kasama niya?
"Bakit pupunta din kayo? Sh*t Danelle sinong kasama mo, huh?!"
[Huh? Bakit ba? Si ano, si Krystal, Cindy, Krista, Victoria at Megan, bakit?]
Nanlaki ang mga mata 'ko sa sinagot niya. Yung mga pangalan na binanggit niya, maliban doon kay Krystal, mga girlfriend iyon ng mga team mates 'ko.
Sh*t. this is not fvcking happening!
"Well done, Sanford."
"I know. Better luck next time, Gonzalvo."
"Huh. Ang yabang natin Sanford, ah? Porket nanalo nanaman kayo."
"Hindi ako nagyayabang. Pinapakita 'ko lng ang totoong ugali 'ko."
"Ahh ganon ba? Sige. Kami din. Kasi itong pinapakita namin? Hindi pa kami ito. Mas hihigit pa ito."
"Hindi 'ko tinatanong, i'm going."