#16
ICE's point of view.
Naglalakad ako sa hallway ngayon. Nakalimutan ko ung notebook ko sa locker. Di ko kasalanan 'yon.
Si Danelle naman nagpaiwan na sa room. Hindi 'ko nanaman na siya pinilit isama dahil locker lng naman ang pupuntahan 'ko.
Si Allen, umabsent ngayon dahil may emergency daw sa bahay nila. I hope everything's okay with tita and tito.
Tumigil na ako dahil nasa harap 'ko na ang locker 'ko. Kinuha 'ko na ang notebook 'ko at sinarado na ulit.
Naglakad na ulit ako pabalik hanggang sa may mapansin ako. Hindi bagay kundi tao.
Totoo ba yung nakikita 'ko o kamukha niya lng?
Pero hindi. Siya talaga!
Kasama niya pa ung kapatid nung may ari nitong school at yung Xander na sumuntok kay Adrian.
Nakatigil sila sa may girl's bathroom. Anong ginagawa nila 'don?
Tss. Don't tell me they're going to study here?
Teka dito nga! nakasuot sila ng willford uniform eh! pero bakit? pwede pa ba 'yon?
Tsk. Whatever I don't give a damn about them.
Nagsimula na akong maglakad and look? Madadaanan 'ko pa sila.
"Oh Sanford!"
Hindi 'ko sila nilingon. Hindi 'ko din sinagot. Bahala kayo!
"Teka lng.. tinawag kita diba." Hinarang ako nung dalawang lalake tapos si Gonzalvo, hinawakan ako sa braso 'ko na inalis 'ko naman.
"At hindi kita pinansin. Get lost." Cold na sabi 'ko at sinadyang dalihin yung dalawa niyang kasama.
"Hindi kami nag transfer dito para makaaway ka." Sabi niya, hindi 'ko parin siya pinansin. "Look just stop walking! i'm still talking to you."
Tumigil ako. Lumapit ulit sila saakin at inakbayan ako ni Rich, "We came here to be friends."
Umiling ako. "Hindi ako nakikipag kaibigan sa mga unggoy." Seryosong sabi 'ko.
"Tingin mo pala saamin unggoy?"
"Eh mas mukha ka ngang unggoy diyan eh!"
"Shut up Xander." sita ni Rich dun sa Xander.
"Papalampasin ko yang unggoy na yan. Basta magkaibigan na tayo. Diba?"
Hindi 'ko siya sinagot. Hahayaan 'ko nalang siyang mag mukhang tanga hanggang sa tumigil na siya.
"May dila ka pa ba? Sumagot ka naman! tamang-tama yang pangalan mo sayo eh, yelo. Tss." Sabi nung kapatid nung may ari ng school namin.
"Titigil ka Chase o hindi?"
"Titigil nga captain."
Naramdaman kong hinigpitan ni Rich ang pagkakaakbay niya saakin. "Listen Ice, congrats to you and your team. Dahil diyan, may reward kami sainyo. lalo na sa'yo. hintayin mo lng." tapos ngumiti siya ng nakakaloko, "Mangyayari na soon."
What the hell is he saying?
"I don't care." sagot 'ko at umalis sa pagkakaakbay niya. Mukha siyang bakla!
