Danelle's point of view
Isang buwan na ang lumipas at walang pinagbago ang takbo ng aming buhay. Nasa kwarto ko ako ngayon at wala kaming pasok ngayon.
Sa sobrang busy ko, minsan nalang ako sumama kayla Ice. Minsan didiretso nalang ako sa library dahil kailangan ko mag aral. Exam na namin next month and damn, walang pumapasok sa utak ko kaya sinisipag akong mag aral nalang.
*buzz buzz*
Nag vibrate ang phone ko mula sa bedside table ko kaya inabot ko naman iyon. Binaba ko muna ang librong binabasa ko at tinignan kung ano iyon.
'Kryz Valera and 104 posted on your timeline.'
Kumunot naman ang noo ko. Binuksan ko iyon at cinlick ang notification na ito. Posted? Anong meron?
Binasa ko ang mga nakapost saaking wall at talagang napanganga ako nang makitang binabati nila ako ng 'Happy Birthday'
omygosh! Nakalimutan kong birthday ko pala ngayon. Pati ba naman birthday ko nakalimutan ko na?! Pwede pala yun? Mygod. Kasi naman masyado talagang occupied ang isip ko kaya nakalimutan ko iyon.
Naupo ako ng maayos at nag comment ako ng 'thank you.' Sakanilang lahat. Madaming teachers din ang bumati saakin.
*ting*
Nag notify ang messenger ko kaya binuksan ko iyon. omygosh ang dami! Ilan ba to? Nag scroll lng ako pababa at nakita ko ang mga relatives and iba kong friends all over the world.
Gaya kanina ay nireplyan ko din sila isa-isa. Ung iba hindi pa dahil nakakapagod din naman noh.
Nag scroll pa ako, may hinahanap akong mga 'specific people' na bumati saakin. Bakit wala ata? Nakalimutan din ba nila ang birthday ko?
Napasimangot ako nung makitang huling message ay ang kablock mate ko. Wala manlang message galing kay Krystal? Kay Ice? Kay Allen? Sa mga kaibigan ko?
Ngumuso ako at ni-lock na ulit ang phone 'ko. Binalik ko iyon sa bedside table ko at tinuloy ko nalang ang pagbabasa ng libro.
Hayaan ko na nga lng. Baka mamaya pa sila bumati.
Pero imposible eh! Si Krystal? Every year na birthday ko binabati niya ako. Siya pa nga ang nauuna, hihintayin niya ang 12:00 or kaya 11:59 para batiin ako. Hindi ko lng napansin kagabi kasi tulog na ako at nawala sa isip ko na birthday ko pala.
*tok tok*
Bumukas ang pintuan ko at si yaya Mileng ang pumasok. Ngumiti ako sakanya nang makitang may cupcakes and waffles with vanilla shake pa.
"Mag miryenda ka muna, Yui." Sabi niya. "Kanina ka pa nagbabasa ah? Exam niyo na ba?"
Napasimangot ako nang marinig ang kanyang sinabi. Hindi niya rin ba ako babatiin? Nakalimutan narin ba ni yaya Mileng? Nagkalimutan na ba?
"Ah eh.. opo.. uh, bakit po may ganyan?" Tanong ko.
"Wala naman binili ito ng nanay mo at paborito mo ito kaya hinanda ko na upang iyong kainin." Nilapag niya ang plato sa coffee table ko at tumayo ako para maupo sa pa-curve kong sofa. "Kainin mo na ha? Masarap ang vanilla milkshake."
Tumango ako at kumagat sa favorite kong red velvet cupcake. "Salamt po. Kayo gusto niyo po ba?" Inalok ko siya at umiling lng si yaya Mileng. "Ay sige po..."
Nagpaalam na siyang lalabas na daw siya't mamamalengke pa daw siya kaya naman hinayaan ko na siya.
Tahimik lng akong kumakain dito at humigop ako sa vanilla milkshake.