[39]: Marina Camp pt4

303 16 1
                                    

39: MARINA CAMP PT4

Patapos na kami. Malapit na kaso mukhang may nauna na ata saamin? Dahil may naririnig kaming tawanan sa kabilang cabin or baka naman tawanan lng talaga?

Pasimple akong tumingin kay Ice at seryoso siya sakanyang ginagawa. Nakafocus siya sa china-chop niyang gulay.

"Uhm Ice pwede paabot nung t---"

"Kaya mo naman abutin. Ikaw nalang."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama ba ako ng rinig? Yan ang sinabi niya? Bumalik nanaman siya sa pagiging cold saakin?

Parang kahapon lng tyaka nung mga nakaraang araw ang bait at sweet niya saakin tapos ngayon, ayan nanaman siya?

But why am I affected? Ugh. Siguro nagulat lng talaga ako dahil matagal ko ding hindi narinig ang ganyang boses ni Ice.

"Ah o-okay.."

Ako kasi ung nagi-stir nung sabaw kaya pinaabot ko nalang. Sina Kai kasi ay medyo malayo saamin at may chinachop din at si Ice talaga ang pinaka malapit sa tubig.

Huminga ako ng malalim at inabit ung tubig. Nahawakan ko na iyon ngunit nabitawan din dahil napaso ako nung ini-stir ko.

"Aw ouch!" Damn ang hapdi. Ang b*b* mo talaga Krystal, trying hard kala mo naman abot. Pwede naman kasing lapitan tsk.

Kaso nga may ini-stir ako. Ang arte kasi nitong si Ice!

Rinig kong binitawan lahat ni Ice ang kanyang hawak niya at hinawakan ang kamay ko. Hinipan niya iyon at binasa ng tubig.

Napakunot naman ang aking noo. Akala ko ba galit siya saakin? Kanina lng ang cold niya tapos ngayon bakas sa mukha ang pagaalala.

"Anong nangyari?" Lumapit saamin sina Rich, "Are you okay Krystal? Sobrang sakit ba? Akin na.."

Binawi ko ang kamay ko kay Ice. Lumapit ako kay Rich at hinawakan niya iyon. Gaya ng ginawa ni Ice kanina ay hinipan niya din iyon.

"Lumobo siya. Ano ba kasing nangyari? Bakit nagkaganyan?" Tanong ni Kai.

"Ah nadaplisan ako nung hinahalo ko." Sagot ko, "Inaabot ko ung tubig eh."

"Tara sa labas. May first aid dun. Ako ng bahala sayo," inakay niya na ako palabas at naiwan sina Kai sa loob.

Walang ibang tao dito kundi sina prof, nurse sa clinic namin at kami ni Rich.

"Oh anong nangyari?" Tanong saamin ni prof, "Tapos na kayo? Bakit hindi kayo nag-buzzer."

"Tss kita namang may nasaktan. Dami pang tanong." Rich cleared his troat, "Prof si Krystal napaso eh, lumobo. Hindi naman ganon kalaki, asan ung first aid?"

Tumawa ang prof namin, "Asan ung first aid? Woah, magkasingtanda ba tayo?" Nagpoker face lng si Rich, "Andun. Hayaan mo na ang nurse ang gumawa niyan."

Tumango lng kami at lumapit na sa nurse. Akala ko mapapagalitan si Rich eh.

Sinabi namin ang nangyari sa nurse at siya na ang nagtreat saakin. Mabilis lng naman iyon kaya nakapasok na ulit kami sa cabin.

Si Xander ang kasama ni Ice ngayon sa may harap. Binaling nila ang mga tingin nila saamin at tinanong kung okay na daw ba ako.

Um-oo lng ako at bumalik na saaking ginagawa.

Cindy's point of view

My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon