Chapter 1

45.6K 486 30
                                    

Chapter 1

Kath's POV

Yay! It's Monday! Ang saya ko. School day na naman.

Well, ako lang naman ata ang nae-excite. Nasabi ko na ba sa inyo na nerd ako? Oo nga pala, paulit-ulit na ako.

Ang aga aga kong nagising. Naligo na ako, kumain, nagsuot ng aking eyeglasses at binitbit ang yellow kong bag. Yellow nga pala favorite color ko. It symbolizes intelligence. Oh diba, napaka-nerdy ko talaga.

*beep beep*

Andiyan na schoolbus ko.

Oo, totoo yan. Schoolbus. Kahit na highschool na ko naka-schoolbus pa rin ako. Hehe.

Marami sa mga kasama ko sa bus eh mga elementary. Ako na ata pinakamatanda dito, pero wala talaga akong pakialam. Basta ba makarating sa school on time eh.

Nakarating na kami sa school at bumaba ako ng schoolbus.

Nakatambay ako sa park ng school namin, nagbabasa ng libro. Hehehe, nakakatuwa naman tong binabasa ko, ang daming matututunan.

History nga pala yung binabasa ko. Nerd talaga.

Daniel's POV

Andito na ko sa school, bumaba ako sa motor ko. Nakita ko si Kath na bumaba ng schoolbus.

HAHAHAHA. Naka-schoolbus pa eh ang rang-gu(gurang) na. Siya ata pinakamatanda dun. Pero hindi dahil siya ang pinakamatanda dun ay hindi siya kasing-cute ng mga kasama niya. Mas cute pa nga siya sa mga bata eh.

Sinundan ko siya. Pumunta ng park. 

Haaaaay, nagbabasa naman. History pa, hatest subject ko. Nerd talaga.

Tapos napapangiti pa siya sa binabasa niya. Ang weird talaga. Bat ko ba nagustuhan to?

Nilapitan ko na lang siya.

"Hi nerd!" sabi ko sabay ngiti.

Sumimangot siya.

"Ano ba yan, ang ganda ganda ng umaga ko tapos biglang may asungot na dadating." narinig kong binulong niya.

"Ano nerd? Ano sabi mo?"

"Wala. Sabi ko hi." nag-sarcastic smile siya.

"Sus. Ayaw mo nun, umagang-umaga may nabating gwapo sayo." sabay smirk ko.

"In your dreams, Padilla." sabay irap niya.

"Hmp. Kala mo kung sinong maganda." sabi ko.

Pero siyempre maganda naman talaga siya. Hindi ko lang maamin. Torpe ko kasi.

"Wala naman akong sinabi ah!" ngumuso siya tapos kinross yung arms niya sa chest.

Haha ang cute. Nakakainlove lang. Parang stuffed toy. Sarap ibulsa.

Ayun. Bago pa ko manggigil sa ka-cutan niya, nag-ring na yung bell.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon