Chapter 18

27K 284 14
                                    

Chapter 18

Kath's POV

Okay, edi kami na magkapartner ni DJ. Kami na representatives. Kami na rin magkasama sa tutor sa History. Kami na rin laging magkasama.

Ano na ba talagang meron?! Palagi na lang kami. Kami, kami, at kami.

Naging mas close kami sa loob ng one week. 

ONE WEEK LANG. Eh dati nga mortal frenemies kami niyan. Palaging naglolokohan at nag-aasaran. Nagkataon lang talagang iisa lang ang tropa namin.

Pero ang saya lang din, kasi nai-inspire ako.

Aaminin ko, masaya siyang kasama. At medyo crush ko na siya.

HAHA, wala pa akong pinagsasabihan niyan at ipinapangako ko sa sarili ko na hindi na yan lalala pa. Kailangan kong pigilan ang sarili ko kasi baka naman masaktan lang ako.

[FAST FORWARD]

The next day.

Andami nang nakakaalam na kami ang representatives sa laban. 

Kahapon lang sinabi yun ah, bakit ang dami agad nakaalam?

Hay, ang balita talaga napakabilis. 

Ang weird ah, ang dami nang nakakakilala sa akin ngayon. Bigla na lang may lalapit sa akin at magco-congratulate sa pagiging representative ko. Goodluck daw. Tapos yung iba sasabihin pa na bagay daw talaga kami ng boyfriend kong si Daniel.

Ano ba?! Hindi nga kami. Ang kukulit lang talaga ng mga tao sa Earth.

Palibhasa palagi lang nila kaming nakikitang magkasama. Haaaaaaay.

May practice daw kami ngayon ni Daniel sa gagawing contest. Actually, pag-uusapan pa namin kung anong ipe-present namin.

Yung ibang ka-team ay may sariling volleyball practice.

Hay, may sariling mundo na naman kami. KAMING DALAWA.

Ang weird lang ng nararamdaman ko. 

Anyway, pinauna ko na si DJ sa gym, sabi ko susunod na lang ako. May hinahanap pa kasi ako sa locker ko.

Bumaba ako at papunta na ng gym. Hinihintay na ako ni Batman noh.

Biglang may lumapit sa akin, dalawang babae.

Sino na naman to sila? Then na-realize ko, sila pala yung dalawang campus btches.

Oh Gosh, anong gagawin nila?!

"Hi Kath." then one of the girls smiled sweetly. I think her name is Chloe.

"So boyfriend mo pala si Daniel ha?" the other one was named Tiffany. Umikot siya sakin tapos tinitigan akong mabuti.

"So ikaw pala yung nerd dati ah? Nagtransform." tapos nag-smirk yung Chloe.

"Impressive." then pinat niya yung shoulder ko. Hinawakan niya yung wrist ko.

"Ang kapal din ng mukha mo eh." tapos hinigpitan niya yung hawak sa wrist ko.

Nanlaki yung mga mata ko. Sabi ko na nga ba eh, magkakaroon ng gulo. Sa dami ba namang fans ni DJ.

"A-anong nagawa ko?" nakakainis! I feel helpless. Help! Hinihintay na ako sa practice namin.

"Wag ka nang magmaang-maangan pa." Chloe smiled at me then slapped me. Hard.

Ang sakit, pero kailangan kong maging matatag.

"Wag mong subukang sumigaw, kundi lalo kang malalagot." kinurot ni Tiffany yung braso ko. Sobrang sakit. Naiiyak na ako.

"Ang kapal ng mukha mong lumapit kay Daniel. Sana lamunin ka na ng lupa." dagdag pa ni Chloe.

Anong nagawa ko? E di ba tropa ko na si Daniel dati pa? Saka hindi ako ang nalapit kay Daniel. Kasalanan ko bang naging mas close kami?

"Bye." sabay siko niya sa tiyan ko.

Ang naalala ko nalang ay yung sakit na sobra sobra. Nakita ko silang umalis tapos napaluhod ako.

Then everything went black.

Daniel's POV
 

Kanina pa ako naghihintay dito sa gym pero wala pa si Kath. Sabi niya susunod na daw siya, pero bakit hanggang ngayon hindi pa siya nadating?

Nag-aalala na ako kaya nag-decide akong hanapin na lang siya.

Dumaan ako malapit sa park.

May nakita akong nakahiga. Nilapitan ko.

SI.... KATH?!

Wala siyang malay. Ha? Bakit?

"Kath?!" nagulat ako. Si Kath? Ano nangyari?

"Uy Kath, gising!"

Pero kahit anong tapik ko sa kanya eh wala pa rin siyang malay.

Tumingin ako sa paligid, wala namang tao. Pwera na lang dun sa dalawang babae na naglalakad papalayo.

Hihingi sana ako ng tulong, pero wala namang tutulong so dinala ko na lang siya sa clinic.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nakahiga lang siya doon sa bed. Inayos ko yung buhok niya tapos tinitigan. Ano kayang nangyari sa kanya?

Tinawagan ko ang barkada at pinapunta doon.

Dumating na sila.

"Oh? Ano nangyari?" Alalang alala si Julia tapos lumapit agad sa nakahigang si Kath.

"Ewan ko nga eh. Nakita ko malapit sa park, unconscious." 

Lahat sila eh nakaupo lang dun, naghihintay na magising si Kath.

Ako naman, nandun sa tabi ni Kath, hinihimas yung buhok niya.

Please naman, Kath. Gumising ka na. Nag-aalala na ko masyado.

Napansin kong namumula yung pisngi niya. Tapos parang may marks siya sa may braso.

Sinong gumawa niyan? Eh wala namang ganyan yan kanina?

Then naalala ko yung dalawang girls na papalayo kanina. May kinalaman kaya sila?

KUMUKULO YUNG DUGO KO.

How dare they do this to Kath. Ang alam ko ay wala namang atraso si Kath sa kahit na sinong tao dito sa school. 

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon