Chapter 13
Kath's POV
Umaga na pala. Ang aga ko nagising.
Unang pumasok sa isipan ko lahat ng nangyari kahapon. Napanaginipan ko lang ba talaga ang lahat ng yun? Para naman kasing hindi kapani-paniwala. Ibang iba kasi eh. Yung unggoy yung tinutukoy ko.
Bumangon ako at tumingin sa salamin.
Sundin ko kaya yung utos niya? Na wag na akong magsalamin. Mas bagay daw sa akin eh. Naalala ko tuloy yung sinabi niya.
"Sino niloko mo? Ang ganda mo kaya!"
Kahit pinipilit kong i-block yung mga pinagsasabi niya sa akin eh paulit-ulit pa rin sa isip ko. Aaminin ko na, nakakaramdam ako ng kilig. Pero hindi ko maamin na may gusto ako sa kanya.
Imposible yun di ba? Isang fugly nerd at unggoy? Ang halay!
Na-distract ako sa mga iniisip ko nang biglang nag-beep yung cellphone ko. Sinuot ko yung salamin ko at tinignan kung sino yung nagtext.
From: DJ Unggoy
Darating rin naman ang panahon na magkakalakas rin ako ng loob na aminin sayong mahal kita.
Pero sa ngayon, hindi muna. Matututo akong makuntento muna sa ganito.
Please naman, wag mo na lang pairalin ang pagkamanhid mo.
Wag mo na kong pahirapan pa. Oo na, mahal na mahal na kita.
Goodmorning!
Ingat. =))
GroupMsg.
TUMIGIL YUNG PUSO KO.
Sino tinutukoy nito?
Mahirap mag-assume, pero ako ba?
Pero bigla kong naisip, pano kung hindi pala ako yun? Parang nabasag yung puso ko.
Na-curious naman ako. Matext nga.
To: DJ Unggoy
Uyyyyyy. Sino yan ha? :p
Lumalablife. ;)
Daniel's POV
Umagang-umaga pa lang, si Kath na naiisip ko. Lakas na talaga ng tama ko, dude.
Ayun, nag-GM na lang ako. At sinendan ko si Kath. Matamaan ka naman please. Manhid ka lang ba talaga?
At di ko inaasahan, after some time ay nag-respond siya. Natamaan kaya to?
From: Kath <3
Haha, may <3. Sa kanya lang meron niyan. :P
Uyyyyyy. Sino yan ha? :p
Lumalablife. ;)
Nako. Akala ko pa naman nahalata mo na. Kelan naman kaya ako magkakalakas ng loob na umamin?
To: Kath <3
Malalaman mo din yan, pero hindi pa sa ngayon. Promise! :D
Oo, totoo yan Kath. Makakaamin din ako sayo, hintayin mo lang.
Kath's POV
From: Daniel Unggoy
Malalaman mo din yan, pero hindi pa sa ngayon. Promise! :D
Malalaman ko din? Pero hindi pa ngayon?
Ano ba yan! Unggoy talaga.
Unggoy unggoy unggoy. Nakakainis.
Pero ano tong nararamdaman ko? Excitement? Disappointment?
Habang di niya pa sinasabi kung sino yung mahal niya, dapat maghanda na rin ako sa mangyayari. Mahirap masaktan.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?