Chapter 25

25.9K 257 29
                                    

Chapter 25

Daniel's POV

Binigay ko na kay Kath yung bear. Nakakatuwa lang tignan kasi para siyang bata. Yakap yakap niya pa yung bear.

"Kath, halika na. Baka kailangan na tayo dun!" yaya ko sa kanya.

"Okay." hawak niya yung bear sa isang niyang kamay tapos hawak naman niya yung braso ko sa kabila. Parang bata talaga. Pero deep inside, natutuwa ako.

"Thankyou thankyou thankyou talaga!" sabi niya sa akin habang naglalakad kami. Tumingin siya sa akin tapos ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Oo na, bawi na sakin yun. Makita ko pa lang na natutuwa kang ganyan, ayos na sa akin." tapos ginulo ko yung buhok niya. Nakahawak pa rin siya sa akin.

"Umayos ka ng lakad, Kath. Baka madapa ka." sabi ko sa kanya.

Hindi siya kumibo pero inayusan niya yung lakad niya. Hindi pa rin siya makaget-over sa bigay kong teddybear ah. Nakakatawa lang.

"Uy ang galing galing galing niyo!" lumapit sa amin si Julia. And as usual, kasama niya ang tropa.

"Thankyou! Ang galing kaya mag-gitara ni DJ." sagot ni Kath habang yapos yapos yung bear. Tapos tumingin siya sa akin.

"Oo nga eh, feel na feel niyong dalawa." sabi ni Neil. "Kulang na lang may lumabas na sparks."

Binatukan ni Kath si Neil. Pinipigilan ko naman yung tawa ko.

"Ay, Kath. Kaninong admirer naman nagmula yang teddybear mo?" tanong ni Kiray. Napansin pala niya.

"Oo nga Kath, masyado kung makayapos ah!" dagdag pa ni EJ.

"Baliw. Galing kay Daniel to. Batman nga oh!" sagot ni Kath tapos pinakita pa yung Batman logo.

"Ah. Kaya naman pala mahal na mahal mo." sabi ni Diego. Tapos nagtawanan sila.

"Baliw talaga kayo." tapos ngumuso na lang si Kath.

Ako naman pangiti-ngiti lang dito. Nababaliw na rin gaya nung iba.

"Maiwanan muna namin kayong dalawa ah. Baka nakakaistorbo kami." sabi ni Julia.

"Uy hindi ah!" tapos namula si Kath.

"Joke lang. Pumunta na kayo dun! A-awardan na oh." tapos tinulak kami ni Julia papunta sa harapan.

Umupo muna kami sa may lugar ng mga contestants tapos naghintay.

"Daniel, kinakabahan ako." narinig kong sabi ni Kath.

"Hindi yan, mananalo tayo. Galing mo eh." sabi ko na lang sa kanya. Pero sa totoo lang, kinakabahan din ako.

[FAST FORWARD]

"Uy, DJ! Narinig mo yun?" sabi ni Kath na excited na excited.

"Ha?" kanina pa kasi ako tulala.

"Tayo nanalo! Halika na, dali!" para siyang bata. Hahaha, nakakatuwa talaga.

Nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila papunta sa stage. At hawak niya pa rin yung teddy. Hindi niya ata namalayan na nahawakan niya yung kamay ko.

"Ay, sorry." sabay bitaw niya sa kamay ko. Parang nahihiya.

"Ayos lang yun. Masyado ka atang na-excite." sabi ko sa kanya.

"Oo nga eh." tapos tumawa siya.

Nireceive namin yung trophy namin. Tapos ang daming nagpicture.

Sila Julia nakipagsiksikan pa talaga para mapicturan kami. At nasa likod naman niya si Diego. Nagkakamabutihan na talaga tong dalawang to.

Bumaba na kami ni Kath ng stage. Nakahawak na naman siya sa braso ko.

"DJ, ano kaya ipapangalan ko kay teddy?" tanong niya sa akin.

Nag-isip ako. Batman? Wag na. Ako yun eh.

"Mr. Brightside." sagot ko naman sa kanya.

"Uh.. sige! Ang cute." tapos ngumiti siya.

Ako din kasi si Mr. Brightside. Kaya yun yung naisip ko.

Si Kath na si Ms. Brightside, kasi siya ang nagbibigay liwanag sa buhay ko.

HAHAHAHA, ang korni mo na Daniel.

May mga nagcongratulate sa amin tapos nagpasalamat lang kami.

Palakad-lakad lang kami ni Kath pero walang nagsasalita. Hindi naman awkward kasi alam namin na masaya kami.

"Kath!" may narinig akong tumawag. Napalingon naman kami.

Kath's POV

"Kath!" may narinig akong sumigaw. Napalingon ako.

"Kath? Ikaw ba yan?" lumapit yung lalaki.

"Oo. Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"Ano ba Kath! Di mo na ko kilala! Si John to!" sabi sa akin nung lalaki.

John? Hmm.. SI JOHN?!

"John? Ikaw na ba yan?" tanong ko. Nakakagulat ah.

"Oo naman! Kababata mo di mo maalala!" tapos tumawa siya.

"Uh, Kath. Maiwan ko muna kayo ah." sabi bigla ni Daniel.

"Ah, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Oo." tipid na sagot niya tapos umalis na rin siya.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon