Chapter 22

27.2K 294 13
                                    

Chapter 22

Kath's POV

"Uy! Dali na, practice na tayo!" pilit na inaabot ni unggoy sa akin yung mic.

Nandito kami sa Tom's World. Dun sa isa sa mga stalls ng videoke.

"Ayoko! Nahihiya ako." sagot ko naman sabay tulak sa kanya nung mic.

"Ikaw may gustong kumanta eh, tapos ngayon ayaw mo. Bilis na oh!" pinipilit niya pa rin ipahawak sa akin yung mic. Ang kulit kulit talaga nitong unggoy na to eh.

"Kakanta ako. Eh bat pa kasi kailangang dito tayo mag-practice? Pwede namang sa bahay na lang."

Kaming dalawa lang kasi ang magkasama ngayon. Wala yung tropa.

Ewan ko ba dun sa mga yun, sila yung nagyaya kahapon tapos nung magkikita-kita na sa mall eh biglang hindi nagsulputan. Kanya-kanyang dahilan sila. Sa huli, kaming dalawa lang pala ni unggoy yung magkasama.

Ginood-luck pa nila kaming dalawa, wag daw sana magka-World War III. Oh diba, ang babait?

"Di kita ililibre ng ice cream niyan!" pagbabanta niya sa akin.

"Oy madaya! Natalo kita dun sa basketball kanina ah!" pagrarason ko.

Oo, natalo ko siya. Yung shinu-shoot yung bola sa arcade? Alam niyo naman siguro yun.

"Pambata naman yung nilaro mo eh. Ikaw nga madaya diyan eh."

"Oo nga, pero ganun na rin yun! HAHAHAHA." sabat ko naman.

"Dali na, kanta na. Di talaga kita ililibre." nanakot pa ang loko.

"Oo na!" sabay kuha ko sa mic. Sayang din yun oh. Libre ice cream.

"Takaw mo talaga." tapos napangiti siya.

"Parehas lang tayo."

Tapos tumugtog na yung intro ng kanta.

"If you love me like you tell me, please be careful with my heart, you can--" kumanta na ko, pero biglang tinigil ni unggoy yung kanta.

"HOY PADILLA. Ano na namang problema mo? Bat mo tinigil yung kanta. Sayang token! Di pa nga tapos yung kanta eh." pagrereklamo ko. Totoo naman eh. Sayang yun! Maghuhulog na naman kami ng token, ini-stop niya lang kasi yung kanina.

"Ayusin mo kasi pagkanta mo, wala akong marinig. May mic na nga eh." relax niyang sinabi.

Hmp, yabang eh.

"Ulitin mo." utos niya pa. Demanding ah.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon