Chapter 40
Kath's POV
Nagdaan ang Christmas Season.
Matiyaga pa rin si DJ sa panliligaw sa akin.
Pero sa tingin ko, oras na para sagutin ko siya.
Gusto ko na ring aminin na mahal ko din siya. Panahon na para maging official na akin siya.
Pero bago yun, kokonsultahin ko muna ang aking super bestfriend, si Julia! :>
"Sagutin mo na! Sige na. Pleaseeee!" pangungulit niya pa sa akin.
Tinanong ko siya, tapos sabi niya oo daw.
Eh pinag-iisipan ko pang mabuti eh.
"Sus naman bestfriend! Matagal-tagal na ring nanligaw sayo yung tao oh!"
"Eh. Sure ka?" nagdadalawang isip pa rin ako.
Wala namang dahilan para hindi ko siya sagutin eh.
Wala naman siguro akong masasktan. Kaya okay na. Diba diba?
Ewan ko, nababaliw na talaga ako. Kay Daniel. HAHAHAHAHA.
"Oo naman! Tagal tagal na naming hinihintay na maging kayo oh." pange-encourage pa niya sa akin.
"Pano? Baka naman ang awkward lang."
"Ako bahala sayo!"
"Pano nga? Kelan?" pangungulit ko pa. Makulit nga kasi ako. Pasensya.
"Mamaya. Bukas. Next week!"
"Sige sige. Bukas." pagpapasya ko.
Bukas DJ. Bukas, mapapasaya kita :)
***
WAG KA MAG-PANIC, KATH.
Kaya mo yan.
Inhale.
Exhale.
Eh nagpa-panic pa rin ako eh! Pano ba kasi to?
Mamaya ko pa naman siya sasagutin, nagpeprepare pa lang ako.
Hindi ko nga alam kung saang place eh.
Anong sasabihin ko?
Ano isusuot ko?
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Biglang may light bulb sa utak ko.
911! Julia!
Mamaya maya lang rin, dumating na si Julia.
"Saan ba? Saka anong isusuot ko?" pagtatanong ko kay Julia.
Wala akong kaalam-alam sa ganito. Kaya dapat tulungan niya ako.
"Aba, ikaw na bahala kung saan." sagot niya sa akin.
Napag-isipan kong sa playground na lang.
Bakit? Wala lang. Parang ang cute eh, saka masaya ang memories namin doon.
Tinext ko na si DJ, at pumayag siya. Problema ko na lang kung anong isusuot ko.
"Eto na lang! Dali!" kinuha niya yung puting dress sa closet ko at isang pair ng wedges na kulay puti din.
Ano ba? Sasagutin ko lang naman si DJ, kailangang fancy and all pa?
"Eh! Ayoko!" pagtanggi ko.
Pero itinulak niya pa rin sa akin yung damit. "Isuot mo na! Dali!"
May magagawa pa ko? Parang Hitler kaya si Julia. Hahaha, joke lang.
Mahal na mahal ko yan!
Sinuot ko na yung damit at pumunta kay Julia.
Naglight-up yung face niya. "Ganda mo talaga forever!"
"Tsssss." tipid na sagot ko.
Tapos inayos niya na lang yung buhok ko.
"Yan! Tamang tama." sabi ni Julia pagkatapos niya akong ayusan.
Para namang aattend ako ng special occasion nito eh. =______=
"Bes naman eh! Bongga ko naman masyado!"
"Ang ganda nga eh."
"Eeeeeeeeeeeeeh." pag-ungot ko. "Magpapalit na lang ako."
"Wag ka na umarte diyan! Tara! Naghihintay na boyfriend mo."
Hinila niya na ako palabas. Harsh.
Daniel's POV
Binasa ko ulit yung text sa akin ni Kath.
From: Kit-kath <3
DJ. Magkita tayo mamaya sa playground. 3pm. =))
Tumingin ako sa orasan ko. 10 minutes to 3 pa lang.
Papunta na ako sa playground ngayon. Bakit kaya kami magkikita ni Kath?
Sasagutin na ko siguro.
HAHAHAHAHAHA. Assuming ba masyado?
Eh, malay mo naman. Matagal-tagal na rin akong nanliligaw sa kanya noh.
Nasa playground na ako nang may makita akong babae na naiyak.
Nilapitan ko siya. Bat naman 'to naiyak?
"Miss. Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.
Chismoso ko ba? E may naiyak eh. Kawawa naman kung walang dadamay.
Tumingin sa akin yung babae tapos nagulat ako. Pinunasan niya yung mga luha sa mata niya.
"Zha- zharm? Bat ka naiyak?!"
Mas ikinagulat ko pa ang sunod na ginawa niya.
Niyakap niya ako.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?