Chapter 20

26.4K 282 27
                                    

Chapter 20

Daniel's POV

The next day.

As usual, kasama ko naman lagi ang barkada pero si Kath ang talagang binabantayan ko. Ayokong mangyari ulit sa kanya yung nangyari kahapon.

Sabihin niyo nang overprotective ako, pero ganun talaga kapag mahal mo ang isang tao diba? Ayaw mong mapapahamak.

Kath's POV

May unggoy na nagbabantay sa akin. HAHAHAHA.

Oo, ramdam na ramdam ko yung pagiging protective niya sa akin eh. Ang sama ko lang kasi kahit na pino-protektahan niya na ako ay may lakas pa rin  ako ng loob na tawagin siyang unggoy.

First time lang na may umaway sa akin at first time ko din siyang nakitang ganito.

Nakaakbay lang siya sa akin at naririnig kong nagbubulungan yung mga tao. Nakakakita ako ng pagkairita sa gwapong mukha ni Daniel.

"Sila ba talaga?" may narinig akong nagsabi.

"Ang kulit mo, kahapon ka pa nagtatanong eh. Kita mo naman oh!" sagot nung isa.

Akala talaga nila ay kami na. Ang daming nagbubulungan. Pinipilit lang naming kumalma ng buong tropa pero nakakaramdam na rin ako ng tensyon. Nakarating kami sa canteen.

Nakita ko mula sa malayo sila Chloe at Tiffany. Sumulyap ako kay Daniel at parang nag-tighten yung jaw niya.

Warning sign. Galit siya.

Napadaan malapit sa amin sina Chloe at Tiffany.

"Ang kapal talaga ng mukha." sabay cross ng arms ni Tiffany.

"Panget pa rin naman kahit inalis yung nerdy glasses eh." nagparinig pa si Chloe.

Nakahalata na ata yung mga tao sa paligid namin na may tensyon sa pagitan ng tropa namin at kay Chloe at Tiffany. Nagsimula na naman silang magbulungan.

Narinig kong huminga ng malalim si Daniel at nawala yung kamay niya mula sa pagkakaakbay niya sa akin.

'WILL YOU ALL PLEASE SHUT UP?!" ang lakas ng boses niya. Natatakot na ako.

Na-attract niya yung atensyon ng lahat ng tao tapos lahat sila ay nanahimik.

"You two, Tiffany at Chloe." tapos tinuro niya silang dalawa.

"Bakit?" kunwari pang inosente tong si Chloe.

"Will you stop bothering Kath?!" hindi pasigaw yung pagkasabi niya pero may hint ng pagkainis.

"Anong ginawa namin?" tanong ni Tiffany.

"Wag kayong magkunwaring walang alam, DAHIL ALAM KO KUNG ANONG NANGYARI." 

Nanahimik silang dalawa. Lahat ng tao sa canteen eh nakatingin lang sa amin.

"Wag na wag niyo na tong mauulit, pasalamat kayo at mga babae kayo. Pero sa oras na sumobra na kayo, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa inyo." kalma niyang sinabi pero mararamdaman mo talaga yung pananakot sa boses niya.

Pagkatapos nun ay hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya akong palabas.

Sumunod na lang yung barkada sa amin. Nakatingin silang lahat sa amin pero walang nagbubulungan. Paniguradong natakot. Ngayon lang nila nakitang ganun si Daniel eh.

As usual, dumiretso kami sa park. Palagi namang doon ang tambayan namin eh.

Umupo si DJ tapos tinabihan ko na lang siya. Sinenyasan ko na muna yung iba na iwanan muna kaming dalawa doon.

"Daniel, ayos ka lang?" bulong ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin.

"Matatapos rin to, wag kang mag-alala." dagdag ko pa.

Huminga lang siya ng malalim at nginitian ako.

"Baliw to, kanina galit tapos ngayon nakangiti?"

"Masaya kasi ako eh." tapos yung expression niya nakakatawa.

"Bakit ka naman masaya?" tanong ko.

"E sigurado ko ng walang magpapahamak sayo niyan, takot ba nila sa akin eh." tapos nag-smirk siya.

"Yabang!" sabay palo ko sa kanya.

"Gwapo naman."

"Oo na, sayo na madaming nagkakagusto." tapos inirapan ko siya.

"Wala naman silang pag-asa sa akin." bulong niya habang nakatingin sa malayo.

"Che. E pano naman yung mga magandang nagkakagusto sayo?" 

"Walang magagawa yung ganda nila, may iba akong mahal." tapos tumingin siya sa mga mata ko.

Nagkatitigan na naman kami. Parang may electricity. Grabe lang talaga. 

KINIKILIG AKO. MAY MATCHING TITIG PA KASI. EEEEEEEH :">

"Ewan nga! Drama mo. Halika na, may practice pa tayo." umiwas na lang ako ng tingin. Baka mahalata pang kinikilig ako.

"Sabi ko nga po!" tapos hinila niya ako. Ang harsh!

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon