Chapter 32

23.8K 276 30
                                    

Chapter 32

Daniel's POV

Mahal ko pa rin si Kath, siyempre.

Hindi naman magbabago yun eh. 

Ang sakit lang isipin na naibigay mo na ang lahat sa kanya tapos makikita mo siyang kasama ng iba. Seloso kasi ako, pero alam ko namang wala akong karapatang magselos. 

Mukha naman siyang masaya kasama ni John, at baka nasasakal na siya sa akin kaya dapat sigurong layuan ko muna siya.

Hindi ko kayang marinig yung explanation niya, kasi natatakot akong masaktan at malaman ang katotohanan.

Malayo ako sa kanya ngayon, pero hindi ibig sabihin na hindi ko siya naiisip. Palagi nga siyang nasa isip ko eh. Nag-aalala na ako sa kanya, napansin ko kasing malaki ang pinagbago niya simula nung araw na napaiyak ko siya.

Mag-isa lang ako sa gym ngayon, nagshu-shoot ng bola sa ring.

Naging kaugalian ko na ito. Eto na lang kasi yung paraan ko ng paglalabas ng mga hinanakit.

"Daniel, pwede ba tayong mag-usap?" napatigil ako sa paglalaro at tinignan ko kung sino yung nagsalita.

 Si John.

Sinubukan kong umiwas. Kinuha ko yung mga gamit ko at lumabas ng gym.

Pinipigil ko yung galit ko. Ayokong maging violent. Ayoko rin ng gulo.

Alam ko ring magagalit sa akin si Kath kapag nakipag-away ako.

"Pre, mag-usap tayo."

Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad.

"Para kay Kath to." dagdag niya pa.

Napatigil ako nung narinig ko yung pangalan ni Kath.

Siguro panahon na para malaman ko yung rason. Hindi ko na kayang nahihirapan si Kath.

Pagbibigyan ko na muna si John.

"Sige." tapos sumama ako sa kanya.

***

Kath's POV

Iba pala talaga pag may napagsasabihan ka ng problema mo.

Nung nakausap ko si Julia, nabuhos ko lahat ng hinanakit ko. Medyo gumaang yung pakiramdam ko, pero siyempre hindi mawawala yung sakit.

Palagi talaga siyang nandiyan para sa akin.

Siya lang muna ang makakaintindi sa mga nararamdaman ko ngayon.

Patuloy pa rin yung pagbuhos ng luha ko.

Ang tagal na nun, pero matindi talaga yung sakit sa puso ko.

Hindi niya pa rin kasi ako pinapansin. Hindi ko alam kung kailan kami magkakaayos.

Hanggang kailan ako magtitiis ng ganito?

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon