Chapter 8

28.7K 293 10
                                    

Chapter 8

Daniel's POV

Huli kami ni Coach. Ugh, kahiya-hiya. Wala na kaming takas nito.

"Coach, wag na lang kayong maingay please." halos magmakaawa na ko. Nagkatinginan na lang kami ni Julia.

"Kayong mga bata talaga." Nginitian ako ni Ms. Ortega. Yung ngiting may nalalaman? Gets?

"Matagal ko ng alam yan, kahit hindi niyo pa sabihin." dagdag pa niya.

"Huh?" sabay naming nasabi ni Julia. 

"Oo. Nahalata ko. Wag kayong mag-alala, di ko sasabihin."

"Coach, promise yan ha!" medyo nahimasmasan na rin si Julia.

"Oo, trust me." kinindatan kami ni Miss. Okay, safe na ang sikreto namin.

"O siya, pumasok na kayo. Baka ma-late pa kayo."

Sakto. Biglang nag-ring na yung bell.

"Tatanungin ko si Kath mamaya, tanungin mo naman si Diego. Deal?" sabi ni Julia.

"Oo naman. Deal."

Kath's POV

Medyo shocked pa rin ako sa revelation ni Diego kanina.

Okay. So may gusto siya kay Julia. Ayos yun, bagay nga sila eh.

Pero wait, speaking of Julia? Asan na siya? Hindi naman nale-late yun.

Nakikinig si Lord sa thoughts ko. Sakto at dumating na si Julia. At kasama niya si Daniel. Anong meron?

Selos ka naman ngayon.

No. No. Nooooo. Impossible yan.

[FAST FORWARD]

Uwian na. Walang practice ng volleyball ang team namin.

So nag-aya sila Julia na mag-bonding kami sa bahay nila. Puro girls lang ng tropa. May ibang mundo sila DJ, sila naman ng boys.

Food trip muna kami ngayon. Grabe lang yung kain namin.

Ako ata yung pinakamadaming nakain ng pagkain.

Hay, ano ba yan. Nerd na nga, matakaw pa. Loser pa. Wala pang kwenta. Saka ano pa--

"Bes, kayo ba ni Diego? Or MU? Or may gusto sa isa't isa?" Wait. Ano daw? Nabulunan naman ako bigla.

Uminom ako ng tubig at tumawa ng wagas.

Oo, wagas talaga. Nakatingin na nga lang sila sa akin eh.

"Kami? Kami talaga? Seryoso ka? WALA NOH." Ano ba tong naiisip ni Julia.

"Talaga?" okay. Ang saya na niya. 

"Oo nga. Bakit ba?" tanong ko.

Yinakap niya yung unan sabay "inlove na ata ako, girls."

HAHAHAHAHAHAHA. Yung expression niya. Nakakatawa.

Binato siya ni Kiray ng unan.

"Ano ba? First time ko ngang mainlove eh." 

Ang cute lang nila. Julia at Diego. Juliego. Nagkakahiyaan pa sila sa isa't isa. May gusto naman pala.

Daniel's POV

Kasama ko ngayon sila EJ, Diego, at Neil sa bahay namin. Wala lang magawa.

Nanahimik na ang lahat. Oras na para magtanong.

"Uh, Diego. Anong meron sa inyo ni Kath?"

Na-focus sa akin silang lahat.

"What do you mean?" sagot naman ni Diego. HAY, ANG SLOOOOOOOW.

"May gusto ka ba.. uh, kay Kath?" nahirapan akong sabihin yun ah. Ang sakit kaya.

"Ha? Wala noh. Friends lang kami. At hindi ako magkakagusto sa kanya."

Dude, ang saya lang. Kala ko naman may something sa kanila.

"Hayaan mo DJ, walang aagaw sa amin sa kanya. Sayong-sayo siya. Alam naman naming hindi mo lang madiskartehan eh." dagdag pa nitong si Diego.

"Ha? Anong pinagsasabi niyo?" Ugh, nakakainis na ah. Nakakainsulto.

"Wooooooooooooooooo! Torpe ka kasi!" nang-asar pa tong si Neil.

"Nagsalita ang hindi." yan na lang ang nasabi ko.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon