Chapter 31

24.3K 265 39
                                    

Chapter 31

Kath's POV

Sabi ng tropa, parang mag-MU daw kami ni DJ.

Ano nga bang ibig sabihin ng MU?

Mutual Understading?

Magulong Usapan?

MUKHANG UNGGOY?!

***

Naghihintay ako ngayon sa may park ng school, as usual. Katatapos lang ng practice ng volleyball at walang gustong sumama sa akin sa tropa. Iiwanan daw muna nila kaming dalawa ni unggoy.

Hinihintay ko si unggoy ngayon, hahanapin niya daw muna yung puso niya. Nalaglag ko daw kasi nung nagva-volleyball kami eh.

Hahahahaha! Joke, magpapalit daw muna siya ng damit.

Grabe, kanina pa ko naghihintay dito. 352 years! At magpapalit lang daw siya ng damit?

Tapos biglang nagdilim ang paningin ko.

Wait, may nagtakip sa mga mata ko.

"Daniel?" siya lang naman ang gagawa sa akin nito eh. Sino pa ba?

"Ikaw, Daniel ka ng Daniel. Di mo man lang ako naalala." tinanggal niya yung mga kamay niya sa mata ko.

Ah. Si John pala.

"Uy John! Musta?" tapos nginitian ko siya. May hawak siyang gitara.

"Eto, nanliligaw pa rin kay Jane." sagot niya tapos tumabi siya sa akin. Tagal ko na rin siyang di nakakasama, madalas kasing andiyan yung unggoy eh. Seloso.

"Oh? Ano na plano mo?"

"Actually, kaya nga ako nagpunta dito eh. Magpapatulong ako." sabi niya.

"Ano yun?"

"Magpapractice ako. Kakantahan ko siya eh. Sabihin mo kung ayos lang ah." sabi niya sa akin.

Talaga tong kababatang bestfriend ko na to, ang sweet pa rin. Madalas kaya akong ilibre niyan nung bata kami. Hahahaha! 

"Sige sige." pagpayag ko.

"Kunwari ikaw si Jane." sabi niya tapos napatawa ako. Seseryosohin ko talaga yung plano niya.

Pumitas siya ng bulaklak at saka ibinigay sa akin.

Tapos tumugtog siya.

Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka 
Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon