Chapter 5
Kath's POV
Nawala na din ang pagkabad-mood ko.
Hapon na. Volleyball practice! Yay!
Tuwing volleyball practice kasi nagbobonding ang barkada. So yun, ang saya. (:
Daniel's POV
Napatawad na ko ni Kath. Ang saya ko na talaga. Tapos nag-sorry din siya sa akin kasi daw nagsungit siya masyado. May bonus pang smile. Diba, lalo akong na-inlove.
Volleyball practice na ngayon. Makakasama ko na naman ang barkada, pero ang pinakaimportante ay makakasama ko siya.
Nasabi ko na ba sa inyo na mas lalong gumanda si Kath kapag volleyball practice? Nababawasan kasi yung itsura ng pagkanerd niya.
Dumating na si coach at nagsimula na ang practice namin.
Oh wait. Coach nga pala namin si Ms. Ortega. Siya din yung adviser namin and she's cool. Makakarelate ka talaga sa kanya.
Ang saya ng practice. Ka-team ko si Kath. Ang galing niya maglaro. Hangang hanga talaga ako sa kanya.
Break time na. Nagpapahinga lang muna kaming tropa. Nakikipagdaldalan sila kay Ms. Ortega, kami na lang ni Kath ang hindi.
Napansin ko na may sugat siya sa kamay.
"Napaano yan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Ang clumsy ko lang kasi masyado." Huh. Ayos din to eh, walang pakialam. Nakangiti pa nga siya.
Tumayo ako at kumuha ng bandaid sa first-aid kit. Binalikan ko si Kath.
"Halika Kath." sabay hawak sa kamay niya.
Tokwa. Nung nahawakan ko yung kamay niya eh di ko na mapagpatuloy yung paglalagay ng band-aid sa kamay niya. Para akong nakuryente. Tumingin ako sa mga mata niya at nakatingin lang din siya sa akin.
Kath's POV
Nakita ni DJ yung sugat ko. Weird nga eh, parang concerned siya. Nawala na talaga ng tuluyan yung galit ko sa kanya. Kumuha pa siya ng band-aid sa first-aid kit.
Hinawakan niya yung kamay ko. Lalagyan niya ng band-aid yung sugat.
Einstein, parang tumigil yung mundo ko. Nagkatitigan kami. Oh em.
Gosh, namumula na ata ako. Parang forever na kaming nagtititigan.
Tapos na pala magdaldalan sina Coach at napatingin silang lahat sa amin.
Nagulat si DJ. Binitawan bigla yung kamay ko.
Daniel's POV
Parang tumigil yung oras.
Oo na, masyadong maarte yung mga salita ko, ang OA ko. Pero iba talaga yung feeling eh. Namula si Kath, ang ganda. Nag-iinit yung tenga ko. NANAMAN.
Nararamdaman niya ba yung nararamdaman ko?!
Sakto naman, napatingin yung buong tropa at si Ms. Ortega sa amin. Jackpot. Binitawan ko bigla yung kamay ni Kath.
"OH EM! Ano meron?" grabe lang reaksyon nitong si Julia.
Natameme lang kami ni Kath.
"Ha? Wala. May sugat kasi tong si nerd. Lalagyan ko sana ng band-aid. Masyado naman kayo." Palusot ko na lang. May matching kamot-ulo pa yan nung sinasabi ko.
"Asus. Grabe na talaga kayo ah!" Kulit talaga nitong si EJ eh.
"Wala nga!" kinuha na lang ni Kath yung band-aid sakin tapos siya na lang yung naglagay.
Patuloy pa rin yung pagkantyaw nila samin.
Natatawa na lang si Ms. Ortega.
"Stop na yan. May announcement ako guys."
Nanahimik ng bigla yung lahat.
"May bago kayong ka-team."
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?