Chapter 41

21.5K 210 25
                                    

Chapter 41

Daniel's POV

Hindi ako makagalaw sa sobrang gulat ko.

Niyakap ako ni Zharm. Bat siya naiyak? Bat siya nandito?

"DJ, kahit anong gawin ko. Ikaw pa rin ang mahal ko. Bakit ganun? Hindi kita makalimutan."

Umiyak pa siya lalo at umalis ako sa pagkakayakap niya.

"Zharm, akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Akala ko ba ayos na kami? Na magmomove-on na siya? "Akala ko kakalimutan mo na ang lahat ng nararamdaman mo para sa akin?"

"Akala ko rin eh. Pero bakit ganun DJ? Bagay kayo ni Kath at alam kong mahal niyo ang isa't isa. Kaibigan niyo ako pero kahit na anong pilit ko, mahal pa rin talaga kita."

Pagkatapos nun ay hinawakan niya yung kamay ko.

Naaawa ako sa kanya. Pero wala akong magagawa.

Tinanggal ko yung kamay niya sa kamay ko. "I'm sorry Zharm, hindi tayo pwede. Si Kath ang mahal ko."

Pabulong lang ang pagkakasabi ko. Nakokonsensya ako. 

Bakit kailangang may masaktan ng ganito?

Tumungo siya. "Bakit hindi pwedeng ako na lang?"

Muli siyang yumakap sa akin. Hinimas himas ko na lang yung likod niya.

Bakit ganito? Bakit hindi niya na lang mahalin yung magmamahal rin sa kanya?

Ang masaklap pa, pagtingin ko sa may malayo, nakita ko si Kath na naglalakad na palayo.

"Zharm, maiwan na muna kita." agad agad akong humiwalay kay Zharm at hinabol si Kath.

Kath's POV

Nakita ko ang lahat ng yun. Narinig ko.

Ang sakit. Ang sakit kasi hindi sinabi sa akin ni Daniel ang tungkol dito.

Tinanong ko naman siya dati tungkol sa kanila ni Zharm ah? Hindi niya man lang naikwento sa akin.

Ayoko kasing may masasaktan.

Tapos ngayon, alam kong nahihirapan si Zharm.

Mabait si Zharm at kaibigan ko siya. Tinuring niya rin akong kaibigan tapos masasaktan ko siya ng ganun? Dahil lang mahal niya si DJ?

Nagulat lang ako kanina noong naiyak siya. Lalapit sana ako nang makita kong yumakap siya kay Daniel. Naguguluhan ako sa panahong yun, pero ngayon, naiintindihan ko na ang lahat.

Siyempre, hindi na ko makikialam pa sa kanila kaya naglakad na lang ako palayo.

Expected ko pa naman na magiging masaya ako sa hapong yun.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon