Chapter 21
Kath's POV
"Sayaw!"
"Kanta!"
"Sayaw!"
"Kanta!"
"Sayaw na lang kasiiiiii!"
"Kanta nga sabi eh!"
"Oy, ano ba yan?" paglingon ko, andun bigla si Julia. At yung buong tropa. Magic, wala naman sila kanina ah.
"Si Daniel kasi." sabay turo ko kay unggoy.
"Sayaw na lang kasi tayo!" pagpupumilit niya pa.
"Ayoko! Kakanta!"
Eto na naman kami, nag-aaway kung anong ipe-present namin dun sa sasalihan naming contest.
"Mas ayokong kumanta. Sasayaw!"
"At ano namang sasayawin mo? Aber?"
"Magdo-dougie tayo." sagot niya.
"Ayoko." sabay dila sa kanya.
"Ang arte ah!" sabi niya sa akin.
"Ako na maarte!" sagot ko naman.
"Andito po kami oh." singit bigla ni Kiray.
"Sorry." sabay pa kaming nagsalita ni unggoy.
"Teka, teka. Bat nga pala kayo nandito? Diba may practice kayo?" tanong ko sa kanila.
"Break time namin kaya naisipan naming pumunta dito. Che-check kung nagka-developan na kayo." sabi ni Diego. Aba, aba. Nagkaka-developan. Chot.
"Hoy, DJ. Pakitaan mo nga yan ng dougie mo." inutusan ni Neil si unggoy.
Pumayag naman si unggoy. Nilabas ni EJ yung cellphone niya at nagpatugtog ng Teach Me How to Dougie.
May pa-stretch stretch pang nalalaman. Tapos hinawakan niya yung batok niya na parang nahihiyang ewan.
Nagsimula siyang sumayaw..
AT NATULALA AKO.
Grabeeeee, ang kyut! Yung dating kasi.. ewan. Hindi ko ma-explain basta ang cute!
Kinikilig akooooo! :">
Tapos may matching facial expression pa yun na nagdagdag sa overall performance.
"Kath. HUY KATH." nasa harap ko na pala si Daniel.
Nagulat ako. Eh, ano ba? Di ako makaget-over sa dougie niya.
"Ah- OH?"
"Masyado daw nainlove sayo si Kath." sabi ni EJ.
"Ewan nga!" tapos binatukan ko si EJ.
"Oh ano? Dougie nalang?" tanong ni Daniel sa akin.
"Ayoko."
"Bakit ba?"
"Basta. A-YO-KO." hindi ko lang maamin na nahihiya akong sumayaw. Mas gusto ko pang kumanta na lang.
"Choosy ah!"
"Matagal na akong choosy noh!"
"Oo na nga! Kakanta na!" pumayag na rin siya. Di naman pala ako matitiis eh.
Nagpapapalakpak ako dun. Nababaliw na naman.
"Pero ako ang pipili ng kanta." sabi ni unggoy.
"Sige. Ano?"
"Please be Careful with my Heart." sagot niya.
"Ayieeeee! Kath, ingatan mo daw puso ni DJ!" sabi ni Julia. Baliw.
Kinilig naman ako sa sinabi ni Julia.
"Sige, pero ikaw tutugtog ng gitara." sabi ko kay Daniel.
"Deal."
***********************************************************************************************************
A/N: Yay! Sila na magdu-duet. Anyway, sana nagustuhan nyo!
Don't forget to vote guys! Thaaaanks (:
Nasa kanan nga pala yung pagdo-dougie ni Daniel. :">
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?