Chapter 26
Kath's POV
Problema nung unggoy na yun? Bigla biglang nang-iiwan.
"Boyfriend mo yun?" tanong sa akin ni John. Boyfriend?!
"Ha? Hindi ah." sagot ko naman. Mga naiisip naman nito eh.
"Ah, akala ko lang naman. Sorry." sabi ni John.
"Ayos lang yun noh." tapos nginitian ko siya.
"Uy, may balita ako!" masiglang sabi niya sa akin.
"Ano yun?"
"Sa school niyo na ako mag-aaral!" sabi niya.
"Oh?! Talaga? Hindi ka na sa Amerika mag-aaral?" tanong ko sa kanya.
Kasi nga diba, kababata ko si John. Magkaklase kami hanggang grade 3 pero pagdating ng grade 4, umalis sila papuntang Amerika. Doon na daw siya mag-aaral. Sobrang lungkot ko nun. Isa kasi siya sa mga bestfriends ko, bukod kay Julia. Pero hindi sila magkakilala ni Julia.
"Hindi na muna. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan. Namiss kita eh!" sabi niya tapos kiniliti niya ako sa may bewang. Baliw talaga.
"Sus!" tapos tumawa lang ako.
"Sige, kita na lang tayo sa school. Namiss talaga kita, Kath." tapos nagpaalam na siya.
Hinanap ko naman si Daniel. Asan naman kaya nagpunta yun? Tampururut naman.
Nakita ko sina Julia.
"Bes! Nakita mo si DJ?" tanong ko sa kanya.
"Hindi eh. Diba kayo lang naman yung magkasama?" sabi niya naman sa akin.
Ano ba yan. Saan naman kaya nagpunta yun?
"Kath, nagtext si DJ. Umuwi na daw siya." sabi ni Neil.
"Ah? Ganun ba? Sige. Uuwi na rin ako. Salamat sa support niyo." sabi ko sa kanila.
"Sige, Kath. Ingat ka." sabi ni Kiray.
Umuwi na rin ako. Nakakapagtaka ah. Ang saya saya namin ni unggoy kanina tapos dumating lang si John biglang nagkaganun siya? Weirdo.
Pagkauwing pagkauwi ko, tinext ko agad si DJ.
To: DJ Batman :>
Uy, ano nangyari? Galit ka? Ayos ka lang?
*beep*
From: DJ Batman :>
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?