Chapter 12

28.4K 328 30
                                    

Chapter 12

Kath's POV

Andito ako sa bahay nila Daniel.

Tanong niyo kung bakit? Malamang, diba tutor niya ko?

Grabe lang talaga tong nararamdaman ko. Di kaya nahulog na ang loob ko sa kanya?

O baka naman ilusyon ko lang ang lahat ng ito.

"Icecream oh." Inabutan niya ako ng ice cream tapos tumabi siya sakin sa sofa. Nakain na rin siya. Nakakatuwa, parang bata lang.

"Daniel, mag-aaral ba tayo o kakain ng ice cream?" 

"Kakain."

"Ano--"

"Tapos mag-aaral, sabi ko nga po. Sige na, kumain ka na muna. Peace offering ko na yan sayo." tapos nginitian niya ako.

Gwapo pala siya noh. Ngayon ko lang narealize yun. Kasi unggoy lang talaga ang nakikita ko sa kanya dati eh.

"Baka mauna pa kong matunaw sa ice cream niyan, Kath." then he smiled at me like crazy.

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya.

"Ha? Ah, wala." tapos lumayo na lang ako ng tingin. Ano ba Kath, nakakahiya ka na ah.

Daniel's POV

Nakatitig siya sa akin. Ano meron? Kakaiba na yung mga kinikilos niya ah. Hindi kaya--

Okay, Daniel. Stop assuming.

"Baka mauna pa kong matunaw sa ice cream niyan, Kath." 

Bigla siyang namula. Ang weird ha.

"Ha? Ah, wala." lumayo siya ng tingin. Ngayon ko lang siyang nakita ng ganito.

"Halika na nga, turuan mo na lang ako." sabay hatak ko sa kanya papunta sa may table.

Nandito na kami sa may table at tinuturuan niya ako. Grabe, ang talino niya pala talaga. Hanga na talaga ako. Ang daming alam!

Ganto pala feeling ng nag-aaral kasama ng mahal mo. Andami ko ng alam sa History dahil sa kanya. Natututo ako dahil siya ang nagtuturo.

"Gets mo na?" sabay taas niya ng salamin niya.

"Oo naman, galing mo eh." sabay gulo ko sa buhok niya.

"Huh. Bolero." inayos niya na naman yung salamin niya.

"Ano ba yang salamin mo!" lumapit ako sa kanya tapos tinanggal ko yung salamin niya.

Nung tinanggal ko, sabay takip niya sa mukha niya.

"Dali Kath! Patingiiiiiiin!"

"Ayoko! Mukha akong monster."

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon