Chapter 34

24.6K 255 15
                                    

Chapter 34

Daniel's POV

"Ang dare ko sayo ay simula ngayong minutong to, hanggang sa susunod na 12 midnight, magiging boyfriend mo ako."

Hindi talaga ako makapaniwalang pumayag siya.

Idinilat ko ang mga mata ko at inalala yung mga nangyari pa kagabi.

Nagulat silang lahat sa sinabi ko.

"Unggoy, seryoso ka ba?" tanong sa akin ni Kath, halatang gulat na gulat.

"Oo naman, sabi mo dare eh." sagot ko sa kanya sabay smirk.

Naningkit yung mga mata niya. "Hinahamon mo ba ako?"

Napatawa ako sa itsura niya. Ang cute eh. "Oo." 

"Ganun? Edi deal, hanggang bukas." pagpayag niya.

Napangiti ako. Pumayag siya. Hindi naman ako nagulat ng sobra kasi alam kong palaban siya.

Humikab siya at nag-unat. "Antok na ko. Tulog na ko ah? Goodnight." pagpapaalam niya sa amin.

"Ehem." pagpaparinig ko, kunwaring naubo. Korni noh? Eh hindi kaya siya nagpaalam sa akin, boyfriend niya kaya ako ngayon. Haha!

Napatingin siya sa akin at saka huminga ng malalim. Lumapit siya sa akin.

"Goodnight." sabi niya sa akin.

"Goodnight din, baby! I love you, too!" masiglang sabi ko sa kanya. Panukso lang. Haha!

"Sira ka talaga! Wala naman akong sinabing I love you ah!" at saka niya ako binatukan.

"Walang sinasabi? Kakasabi mo lang oh!" pang-aasar ko pa lalo. Tumayo ako at ginulo yung buhok niya. "I love you more!" sabi ko pa sabay takas. Babatukan na naman ako nun eh.

"Ewan nga! Unggoy!" narinig kong sinigaw niya sa akin.

Napangiti ako. Pumayag talaga siya. Hindi niya naman pagsisisihan eh.

Isang chance lang 'to, isang araw lang.

I'll make this day memorable.

Kath's POV

"Kath, alam mo namang mahal na mahal kita. Ikaw lang ang kaisa-isa sa buhay ko. Basta handa akong maghintay sa oo mo." sabi sa akin ni DJ.

Kaming dalawa lang ngayon.

"Oo DJ. Mahal rin kita. Sinasagot na kita." at saka ko siya yinakap ng mahigpit. Binigyan niya ako ng isang napakalapad na ngiti.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon