Chapter 43
Kath's POV
"Mahal din kita."
Si DJ, parang natulala. Ako naman, namumula.
Di nga? Napaamin ako?!
Ehhhhhhhhhhhh?
Kung sagutin ko na rin siya ngayon din?
Huminga ako ng malalim at hinawakan ko yung kamay niya. Chance na 'to.
"Eh, DJ, may sasabihin sana ako sayo eh."
"Ano yun?"
"Sina--"
"AYUN PALA SILA EH! NAGMOMOMENT!"
Tumingin ako dun sa sumigaw. Si Neil.
Bakit ngayon pa?! Pangalawang bes na to na nasisira yung plano kong pagsagot kay DJ ah!
Lumapit sila sa amin. Kasama ni Neil ang buong barkada.
Kumpleto kami. Ulit. Medyo namiss ko din to.
"Aww, Daniel, kala ko aalis ka na eh!" sabay takbo ni Kiray kay DJ. Yumapos siya kay DJ tapos nagsunuran na rin yung buong tropa. Group hug sila.
Ako naman, nakangiti. Nakatingin sa kanila.
"Kit-kath, ayaw mo sumama?" kumalas muna si DJ sa group hug nila at tumingin sa akin.
Nginitian ko siya. Inabot niya yung kamay niya sa akin at agad ko naman iyong kinuha. Pinalapit niya ako sa kanya. Pagkatapos nun ay nag-group hug ulit.
Naluluha ako. :')
Puro drama ako, pero ang saya ko ngayon. Buo na ulit kami oh!
Pinunasan ko yung mga mata ko at napansin nila yun.
"Bes, naiyak ka na naman?" tanong sa akin ni Julia.
"Tssss, saya lang niyan. Andito na kasi ako!" pagyayabang ni DJ. Napatawa naman ako tapos hinampas ko siya ng mahina sa braso.
"Ewan nga, Dee!"
"Dee? Daddy?" tanong niya.
"Wag kang feeling! Dee! Dee-jay!"
"Ah." simpleng sagot niya at umakbay siya sa akin. "E pano ba yan? Tara na dun! Sayawan na!"
"Couple dance? Couple dance?" pagyayaya ni Neil.
Aba, may lakas na ng loob?
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?