Chapter 2

38.3K 393 22
                                    

Chapter 2

Kath's POV

Nag-ring na yung bell. Takbuhan na papuntang classroom.

Nakikitakbo din ako. Ang saya kaya, parang mga bata. Nasa likod ko nga pala yung unggoy na bakulaw. Classmate ko nga pala siya. Sa kinamalas-malasan ba naman eh. Pero ano pa bang magagawa ko.

Nakapasok na kami sa classroom. Sumalubong naman sakin si Julia.

"Bes! Andiyan ka na pala." she smiled.

Intro muna sa kanya. Pakilala ko muna sa inyo.

Bestfriend ko si Julia. Pero siyempre alam niyo na yun. 

Ang ganda ng bestfriend ko. Mahusay siya pumorma. Popular pa. Unlike me.

Basta maraming nagkakagusto sa kanyang guys. Nagkaboyfriend na siya. Unlike me na naman. Yun nga, may nanligaw na naman sakin kaya lang nga boy-allergic ako. Paulit-ulit kong sinasabi yan.

Pero kahit na nagka-boyfriends na siya eh wala siyang talagang minahal sa kanila. Hanggang crush pa lang ata ang naaabot niyan. Never been inlove. Like me. Hehe.

Okay. Tapos na ang intro. Let's go back to reality. Bushing bushing!

"Oo. Kanina pa kami nandito." singit naman nung unggoy. Ugh, dapat sumabit ka na lang dun sa puno eh. Matutuwa pa ko. "Yang bestfriend mong nerd kasi nagbabasa doon sa may park. Genius kasi."

"Hay nako DJ. At least magaling ako sa history diba. Unlike you." binelatan ko siya.

"Ops. Tama na yan." sabi ni Julia. Parang natatawa siya. Nakangiti siya samin like crazy.

"Bakit?" sabay pa kaming sumagot nung asungot. Hay.

"Cute niyo!" weird talaga nito si Julia eh. Parang kinikilig pa. Weeeeird.

"Cute? Baka ako lang. Yang si nerd? Asa." Huh. Yabang talaga nito si Daniel.

Daniel's POV

"Cute niyo!" sabi ni Julia.

Hehehehehehe. Kinikilig ako.

Oo, lalaki ako pero marunong din naman ako kiligin. Ugh, baka traydurin ako ng tenga ko. Feeling ko namumula yung tenga ko.

"Cute? Baka ako lang. Yang si nerd? Asa." Tumanggi na lang ako. Panakip butas. Baka makahalata pa tong si Julia.

"Ewan nga sa inyo. Para kayong aso't pusa. Bagaaaaay!" nagpupumilit pa to si Julia.

Nag-smirk ako kay Kath. Ngumuso ulit siya. Ang cute talaga.

"Magkakatuluyan kayo." hay Julia. Kaya mo yan. Hahaha.

Kath's POV

"Magkakatuluyan kayo" Ha? Nababaliw na bestfriend ko. Eww.

"Never." Hay. Nakakapikon. Tumingin ako kay Daniel at nag-wink siya sakin. Ugh.

Pumasok na teacher namin. Hay salamat po Diyos ko at ni-rescue niyo ko.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon