Chapter 36

22.9K 222 20
                                    

Chapter 36

Daniel's POV

 "Umuwi na ako, DJ. Namiss kita eh. Hindi ka ba masaya?" sagot sa akin ni Zharm.

Ugh, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nagtataka siguro kayo kung anong meron sa amin?

Wala kaming relationship. Family friends lang kami ni Zharm. 

Close kami noong mga bata pa kami, at hindi ko pa alam noon na may nararamdaman pala si Zharm para sa akin, kaya normal lang ang pagtrato ko sa kanya.

Noong medyo malaki na kami, sinabi niya sa akin na pupunta na sila ng Australia.

Noong time rin na yun siya nag-confess sa akin.

Aaminin ko, medyo nailang ako. Hanggang kaibigan lang kasi ang turing ko sa kanya.

"Nagulat lang naman ako." tipid kong sabi.

Si Kath, nakatingin lang sa amin. Halatang naguguluhan.

"Ano ka ba naman, Gori." tapos ngumiti si Zharm.

Maganda naman si Zharm eh. Maputi. Mabait. Maganda manamit.

Ewan ko lang ba kung bakit hindi ko siya magustuhan?

SIGURO KASI HINDI SIYA SI KATHRYN.

"Excuse me lang ha, ano bang ibig sabihin ng Gori?" pagsingit ni Kath habang nakangiti. Siya na friendly.

"Gori. Gorilla! HAHAHAHAHA." pagsagot ni Zharm tapos napatawa si Kath.

"Ah, Gorilla ba siya para sayo? Unggoy kasi tawag ko diyan eh." kwento ni Kath tapos nagtawanan na naman sila.

Sige, pagtawanan niyo pa ako. Hindi ako naiinis, nakakabaliw lang silang dalawa pag pinagsama.

"Hehe, ganun ba? Kawawa naman pala si Daniel sa atin. Ako nga pala si Zharm. Zharm Arriola." tapos inabot ni Zharm yung kamay niya kay Kath.

Likas naman kasi ang pagiging friendly niya. Agad namang nakipag-shakehands sa kanya si Kath. 

"Ako naman si Kath. Kathryn Bernardo." tapos nginitian niya si Zharm. "Hope we can be friends."

"Sure, magkikita pa naman tayo eh. Andito kasi si DJ."

Lumapit sa akin si Zharm tapos nag-cling sa braso ko.

"Gori, bisita ka naman sa bahay namin. Hinahanap ka ni Mama eh."

Kath's POV

Mukha namang mabait si Zharm, pero anong meron sa kanila ni DJ at may tawagan pang Gori?!

Nate-threaten ako. Sa totoo lang.

Napatingin ako sa mga mata ni DJ nang mag-cling sa braso niya si Zharm.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Ughhh.

Napatingin naman sa akin si DJ at agad na tinanggal yung kamay ni Zharm sa braso niya. Agad siyang lumapit sa akin at saka ako inakbayan.

"Maglalaro pa kami ni Kath ng wii sa bahay eh. Next time na lang."

"Awww, Daniel. Bumisita ka naman sa amin." pagpupumilit ni Zharm.

"I will, Zharm. Not now. Mauna na kami ni Kath ha? Sumakay ka na sa kotse niyo."

"Okay, basta ah."

"Yeah, sure. Bye Zharm!" pagpapaalam ni DJ at nag-wave na rin ako.

Hindi naman ako insensitive, nakita ko yung disappointment sa mukha ni Zharm. Naguguluhan talaga ako.

***

"Family friends lang talaga kami Kit-kath. I swear!" page-explain sa akin ni DJ.

Imbis na mag-wii kami, tinanong ko na lang siya kung anong meron sa kanila ni Zharm.

Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni DJ. Kitang-kita ko kung paano nadisappoint si Zharm kanina.

Bakit ko nga ba gustong malaman?

Siyempre, ayokong magkaroon ng gulo. Malay mo, may something pala sa kanilang dalawa ni DJ. 

Aaminin ko, hindi matatagalan at sasagutin ko na rin naman si unggoy at baka masaktan ko si Zharm. Mas maganda na rin yung nagsisiguro.

Daniel's POV

"Okay. Okay, naniniwala ako. E ang tanong, may feelings ka ba sa kanya?"

Ano ba tong si Kath. Napatawa ako.

"Wala." agad kong sagot.

"Okay, may feelings ba siya para sayo?" pagtatanong niya pa.

Natigilan ako bigla. Anong sasahin ko? Oo?

Ayokong malaman niya, baka maging hadlang lang ito sa aming dalawa.

Tumingin ako sa kanya. Halatang naghihintay siya ng sagot.

Napalunok ako. "Wala."

Nagsinungaling na muna ako. Napahinga ako ng malalim.

Inobserbahan niya ang mukha at expression ko ng matagal. Tapos nag-smile siya sa akin.

"Sure ka? Baka magkaproblema sa pagitan nating tatlo ah?" pagtatanong niya ulit.

Alam ko, Kath. Kaya nga kailangan ko na munang itago ito sa ngayon.

"Yep." sagot ko.

Nakakita ako ng tuwa sa mga mata niya. Lumapit siya sa akin at hinila ako patayo. Nag-cling na naman siya sa braso ko.

"Halika na! Laro na tayo ng wii!"

Napatawa ako at sumunod sa kanya.

Hindi ako papayag na may humadlang sa aming dalawa ni Kath.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon