Chapter 10
Daniel's POV
"Kath, uy Kath!" nasigaw na ko dun sa cellphone.
"Sorry, lover boy. Umalis na si Kath. Try again next time. HAHAHAHA. Bye." sabay baba ni Julia sa phone.
Ano ba yan. Haaaay, mag-iisip pa ko ng pakulo kong gagawin bukas para mapatawad na ko ni Kath.
[FAST FORWARD]
Kath's POV
Hay nako. Ayaw lang talaga mawala sa isip ko nung unggoy na yun.
Ewan nga, Kath. Matulog ka na lang.
Makakatulog na ko ng biglang..
*beep*
Tinignan ko yung cellphone ko.
NAGTEXT SI UNGGOY! O_________O
From: DJ Unggoy. (Oo, pinanindigan ko talaga yung pagtawag sa kanya ng unggoy)
Huy Kath! Sorry na please. Patawarin mo na ko. Sige, tulog ka na ha. I love..
yakult! Dejoke, sorry na.
Goodnight! Sweet dreams! Sana mapanaginipan mo ko. =)
Sweet dreams your face! At anong maganda sa gabi at sa pagtulog ko kung ikaw lang naman ang mapapanaginipan ko.
Nakatulog ako. At di ko namalayan na umaga na pala.
[FAST FORWARD]
Daniel's POV
Lunch time na. Walang kwenta lang kanina. Hindi pa rin ako pinapansin ni Kath kahit na anong sorry ko. Ganung kalala na ba talaga ang nagawa ko? Parang hindi naman ah. Tampururut din kasi tong si Kath eh.
Magkakasama-sama na kami sa table ng buong tropa. Ang awkward lang ng sitwasyon kasi hindi kami nagpapansinan.
"Uso LQ noh, guys?" eto na naman po si Neil. Alam ko namang kami ang pinariringgan nito eh.
Sakto naman, tapos na kaming kumain. Hindi ko na matiis.
"Kath."
"Ano ba?" naiirita pa rin siya sa akin.
It's time to do some pakulo. Yung mapipilitan siyang patawarin ako. Anong ginawa ko?
Eh umakyat lang naman ako sa table sabay sabi, "KATH, SORRY NA KASI!"
Ano ba kamong epekto? Agaw pansin lang naman. Nagsitigilan yung mga tao sa pagkain. Ang lakas kaya ng boses ko. Pati yung ibang teachers andun, including Ms. Ortega. Nginitian niya lang ako.
Nagsisimula ng magbulungan yung mga tao sa canteen.
"Kath, sorry na kasi. Di ko na kayang di mo ko pinapansin."
"Ano ba DJ, bumaba ka nga diyan!" nagulat lang si Kath sa ginawa ko at yung buong tropa was like WOAH.
Bumaba ako, sabi ng mahal ko eh. :">
"So, bati na tayo?" Nagpuppy face ako.
Napatawa siya sa akin.
"Halika nga. Ie-explain ko sayo." sabay hatak sa kamay niya. The people around us were staring at us. May nagsabi pa ngang "Bye lovebirds!"
Dinala ko siya sa park.
"Makinig ka lang sakin." then she was just staring at me and listening.
"Sorry na Kath. Di ko alam na masasaktan kita. Kung ano man yun na ikinagalit mo sa akin, kalimutan mo na yun. Yung hindi kita pinapansin, kalimutan mo na yun. Alam kong ako ang nagsimula at nagsungit, so please forgive me. Hindi mo kasi alam kung ano yung sinasaloob ko eh. I admit, nagselos ako kaya ko nagawa yun. I'm sorry. Wag ka na ulit magalit sa'kin."
Then I hugged her. Really tight.
GANTO PALA YUNG FEELING NA MAYAKAP MO YUNG MAHAL MO.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?