Chapter 28

25.9K 292 44
                                    

Chapter 28

Kath's POV

“Pasensya na Kath, dahil sakin hindi natuloy yung lakad natin ah.” Sabi sa akin ni DJ.

Nandito pa rin kami sa bahay nila. Sinamahan ko siya kasi nilalagnat siya dahil nga doon sa pagpapaulan niya kanina kakahintay sa akin.

“Hindi. Ako nga ang dapat mag-sorry eh. Kasi pinaghintay kita.” Sabi ko sa kanya habang pinupunasan yung noo niya ng bimpo. Medyo bumaba na rin yung lagnat niya, pinainom ko na siya ng gamot kanina.

“Eh gusto ko lang naman talagang makasama ka eh.”

“Hayaan mo, kahit hindi natuloy yung gala natin, sasamahan pa rin naman kita dito.” Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit.

“Magpahinga ka nalang, DJ.” Kinumutan ko siya.

“Basta dito ka lang, please. Wag mo kong iwan.” Pagpapalala niya sa akin. Nakakatawa siya, ayaw talaga magpaiwan. Eh hindi naman talaga ako aalis hanggang umayos yung pakiramdam niya.

“Promise.” Pangako ko sa kanya. Pumikit na siya tapos tinabihan ko na lang siya.

Hinihimas-himas ko yung buhok niya habang nakatingin sa may bintana. Naulan pa rin. Ang lamig.

***

 Naalimpungatan ako.

Nakatulog pala ako. Tumingin ako sa gilid ko para i-check si DJ.

Pero wala siya dun. Asan kaya nagpunta yun?

3:25pm na pala. Ibig sabihin e matagal akong nakatulog.

Bumaba ako at doon ko nakita si DJ, sa may kitchen.

“Ayos ka na?” tanong ko sa kanya. Nagluluto siya.

“Oo, ikaw ba naman ang nag-alaga eh.” Tapos nginitian niya ako.

Hinawakan ko yung noo niya, may konting sinat pa rin, pero maayos na kesa sa kondisyon niya kanina.

“Ako na magluluto!” pagpepresenta ko.

“Hindi, ako na! Para naman makabawi ako sa pag-aalaga mo sa akin noh.” Sabi niya sa akin.

“Ah, sige. Salamat.”

“Wag ka, mag-alala, Kath. Marunong naman ako magluto! Hindi sasakit yang tiyan mo.” Sabi niya sabay tawa.

Pumunta na kami sa may dining area para kumain.

Tinitigan ko yung sopas. Safe ba to? Safe ba ang pagkain kapag unggoy yung nagluto?!

“Safe to?!” tanong ko sa kanya. Nagsisigurado lang naman ako. Tapos tumawa siya.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon