Chapter 19

26.8K 280 20
                                    

Chapter 19

Kath's POV

Alam niyo naman siguro yung Snow White and the seven dwarfs di ba?

Pagkagising niya na lang, andun na yung Prince Charming niya at saka yung mga dwarfs na nag-aaruga sa kanya. Ano kayang feeling nun?

"Kath? Gising ka na ba?" may narinig akong boses.

Idinilat ko ang mga mata ko. At parang tugma lang sa naiisip ko kanina, andiyan na ang prince charming ko. At nasa paligid niya ang dwarfs. Lima nga lang. Namely Julia, Kiray, EJ, Diego, and Neil. 

"Da- Daniel?" nautal pa ako. Ba naman, nakatitig siya sa akin nung pagdilat ko.

Nakatingin lang silang lahat sa akin.

"Kath, anong nangyari sayo?" tanong agad ni Julia sa akin. Grabe, nandito na pala silang lahat.

Paano ako napunta dito? Ang naalala ko lang ay kasama ko sila Chloe at Tiffany tapos.. ewan ko na. Basta alam ko bigla na lang akong nakakita ng kadiliman.

"Ah, wa- wala." Ayoko ng magsumbong pa sa kanila. Ayoko ng gulo.

"Anong wala? Sinong gumawa sayo niyan?" tanong ni Daniel sabay turo sa marka sa braso at sa mukha ko. Naku po, mukhang nahalata niya. At si Daniel, mukhang galit na galit.

"Sila ba ha? Yung dalawang babae doon? Sina Chloe at Tiffany?" 

"Hindi." pinilit ko na lang tumanggi pa. Yung iba pang barkada eh nandoon na lang sa gilid, nananahimik. Nagulat lang rin siguro sila kay DJ.

"Eh sinong gumawa sa iyo niyan?!"

"Please DJ, ayoko ng gulo. Wag mo na lang ipagsasabi sa iba okay?" napaupo akong bigla sabay hatak sa braso niya. Pinigilan ko siya kasi parang gusto niya na sumugod palabas.

"Hindi pwede yun. Wala ka namang atraso sa kanila ah!"

"Please, okay lang ako oh." tapos tumayo na ako. "Salamat ah, pero wag ka nang mag-alala sa akin." niyakap ko siya.

Naramdaman kong medyo nahimasmasan na siya.

"Akala ko eh napaano ka na. Buti nakita kita."

"Promise, ayos lang ako guys." sabay tingin sa kanilang lahat. Ngumiti naman sila.

"Sorry ha, nakaabala ako sa inyo. Pero please, walang big deal sa ginawa nila sa akin." yan ang in-explain ko sa kanila. Ayoko na kasing ma-broadcast pa ito sa buong school.

"Nag-alala lang kasi kami sayo, Kath. Buti nga nakita ka ni DJ eh." sabi ni Kiray.

"Oo nga eh." tapos ngumiti na lang ulit ako.

"Mag-practice na ulit kayo, guys. Kami ni DJ eh hindi na muna. Tutorial session na lang muna."

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon