Chapter 27

25.5K 262 26
                                    

Chapter 27

Kath's POV
Ilang weeks na rin nung magalit sa akin si unggoy. Ilang weeks na rin nung makilala nila si John. Tanggap na naman nila eh. Ewan ko lang diyan kay unggoy. Ang bitter eh!

Ilang bes ko na sinasabi sa kanya na magkababata lang talaga kami, wala ng sosobra pa. Ewan ko na lang kung naniniwala siya.

Sina Julia at Diego na nga pala! Biglang naging sila eh. Hindi ko nga alam na nagligawan yun. Hahahaha, pero at least, masaya sila sa isa't isa.

Kaya ayun, palagi silang magkasama.

Sila EJ at Kiray, dati pa naman laging magkasama. Happy couple eh. Nadagdagan pa ng isang happy couple na sila Julia at Diego na palagi ding magkasama. Dahil dun, kaming dalawa ni unggoy ang palaging magkasama. Si Neil kasi busy sa panchi-chix. Hahahaha.

Palagi kaming tinutukso ni unggoy. Dapat daw maging kami na. Ang kulit lang talaga nila.

Pero aaminin ko, habang mas tumatagal kaming magkasama, mas lumalala lang yung feelings ko para sa kanya.

Oo, alam ko boy-hater ako dati. Malay ko ba kung anong ginawa niyang unggoy na yan sa akin at napamahal ako.

Oo nga pala, kung nagtataka kayo kung ano meron sa amin ni John ngayon, wala talaga.

Nagpapatulong kasi siya sa akin, may nililigawan siya. Walang nakakaalam na iba, kaming dalawa lang talaga.

Oo, hindi ako yung gusto niya. Talagang mapanghinala lang talaga ang mga tao sa mundo.

Nalaman na din nila na hindi talaga kami ni Daniel. Kaya ayun, ang saya saya lang ng mga babae, may pag-asa na daw sila kay unggoy. Hay. Ang sarap ihulog sa bangin eh.

Yun, medyo madami ang nangyari sa loob ng ilang weeks.

Matutulog na sana ako ng biglang may magtext. Tinignan ko kung sino.

From: DJ Batman :>

Ano na naman kailangan nitong unggoy na to?

Uy Kath. Wag mong kalimutan. May gala tayo bukas, 8:00 hintayin kita sa may park sa subdivision. Wag kang male-late!

Naalala ko, nagyaya nga pala siya kanina. Gala daw kami.

Oo, kaming dalawa lang. Maisipan talaga nitong unggoy eh.

Hindi ko na nireplyan. Tinatamad ako eh.

[FAST FORWARD]

Nakatulog pala ako, hindi ko namalayan. Nagising ako para magkumot.

Naulan pala. Ang sarap sarap matulog.

Matutulog sana ako ulit nang naalala ko yung lakad namin ni Daniel.

Pagtingin ko sa orasan, 8:45 na!

Late na ako! Lagot ako kay unggoy.

Tinignan ko yung cellphone ko at may 3 text galing kay unggoy.

From: DJ Batman :>

Gising na Kath! Wag kang male-late.

  

Pangalawang text.

From: DJ Batman :>

Kath, nandito na ko. Asan ka na?

Panghuling text.

From: DJ Batman :>

HOY KATH. Maghihintay ako dito, ano mang mangyari.

Nagmamadali akong nag-ayos at tumakbo palabas. Malapit lang yung subdivision sa amin kaya naglakad na lang ako.

Nakarating ako sa may park na pagkikitaan namin. Tumingin ako sa paligid, pero hindi ko siya makita. 

MALAMANG KATH. Hihintayin ka pa ba nun e naulan na nga?

Nakonsensya naman ako.

Uuwi na lang ako. Umikot ako..

tapos andun pala si unggoy! Nasa may ulan. Nagpapabasa. Walang payong.

Baliw ba to?!

Nilapitan ko siya. Hindi niya ako napansin. Yakap niya lang yung katawan niya. Ginaw na ginaw. Magpaulan ba naman.

Pinayungan ko siya, at napatingin siya sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?!" nagsungit pa. Pero naawa naman ako kasi nanginginig na siya.

"Bakit ka naghintay? Halika na." tapos hinila ko na siya.

Napayapos siya sa akin.

"Ano ba DJ?" tanong ko sa kanya. Bigla bigla ba namang nangyayapos.

Hindi siya sumagot, pero naramdaman kong nanginginig siya.

Tumawag ako ng tricycle tapos sumakay kami. Dinala ko na lang siya sa bahay niya. Siyempre hindi na kami tutuloy, may sakit na nga siya eh.

Pinagpalit ko siya ng damit tapos naghintay ako sa may labas ng kwarto niya. Pagkatapos eh pumasok na ako. Nandun siya sa may kama, balot na balot ng kumot, tapos sinisipon.

"Sorry ah. Nalate ako ng gising. Bakit mo pa kasi ako hinintay dun?" tanong ko sa kanya.

"Eh sabi ko naman sayo, hihintayin kita. Baka napaano ka na." sagot niya naman sa akin. Hinipo ko yung noo niya. ANG INIT!

"Ang init mo DJ! Ano nararamdaman mo?" sabi ko sa kanya.

"Ayos lang ako, Kath. Wag mo lang akong iiwan please?" tapos hinawakan niya yung kamay ko.

"Oo, DJ. Dito lang muna ako." tapos umupo na lang muna ako sa tabi niya.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon