Chapter 30

25.1K 277 15
                                    

Chapter 30

Kath's POV

"WAAAAAAAAAAAH DJ! ANOBAAA!" 

Grabe, parang naiwan yung kaluluwa ko.

Nandito ako sa playground ngayon, sa may swing. Sobrang taas. Ako naman kasi ang nagyaya, sinamahan naman niya ako.

Pinatulak ko kasi kay unggoy yung swing ko tapos palakas na ng palakas. As in, sobra na.

Nagpapanic na ko. Narinig ko siyang tumawa.

"Unggoy! Wag mo na ko itulak!" pilit na sigaw ko pero takot na takot na ako.

Ang kulit kulit kasi niya, tinutulak pa rin yung swing eh ang taas taas na.

Natawa lang siya.

"DJ. Please." pagmamakaawa ko.

Naramdaman kong unti-unting tumigil yung swing.

I guess natakot siya sa akin. HAHAHAHAHA.

 Bumaba na ako ng swing. Na-trauma na ako. Grabe.

"Uy, may bike! Sakay tayo Kit-kath!" tinuro ni unggoy yung bike. Ngayon lang nakakita ng bike at tuwang-tuwa?"Ngayon ka lang makakasakay ng bike, DJ?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Hindi, pero ngayon lang kita maaangkas eh. Halika na!" tapos hinila niya ako. Umiral na naman ang pagiging harsh.

Sumunod na lang ako, siya boss eh.

Sumakay na kami, siya magpapaandar. Angkas niya ako.

"Humawak ka ah." pagpapaalala niya sa akin.

"Relax, DJ. Hindi ko first time na makaangkas sa bike." sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Paalala lang, ayokong mapahamak ka." seryosong sabi niya tapos nginitian niya ako. Hay, natunaw na naman ako.

Ayun, pinaandar niya na yung bike. Paikot-ikot lang kami sa subdivision namin.

Kakaiba yung feeling ko? Parang ang saya?

Tapos tawa lang kami ng tawa ng walang dahilan.

"Oy! Switch! Ako magpapaandar, ikaw umangkas." sabi ko sa kanya. Aba, madaya. Gusto ko rin mag-bike. Hihi.

"Marunong ka ba?" tanong niya sa akin sabay smirk. Ang yabang talaga. Pero aaminin ko, yung pagiging mayabang niya eh nagdadagdag sa kagwapuhan niya. Ewan ko kung bakit.

"Oo naman! Mas magaling pa sayo." nagyabang din ako. Akala niya siya lang mayabang ah? Ako din. Hahaha!

"Okay." tapos nag-switch na kami.

Ayun, paikot-ikot lang kami sa subdivision.

"Uy, Kit-kath! Babangga tayo!" sabi ni unggoy sabay tawa.

"Hindi ah! Galing galing ko eh." sabi ko naman.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon