Chapter 37

23.2K 225 31
                                    

Chapter 37

Daniel's POV

"Ano ba, Mario! Makisama ka naman sa akin!" nasigaw si Kath. Masyado siyang nae-excite sa paglalaro ng wii. Ang hyper hyper talaga niya eh. Sigaw siya ng sigaw. Kaming dalawa lang kasi dito, umalis sina mama.

Ako naman, nakatingin lang sa kanyang paglalaro. Lihim na tumatawa. Kuntento na ko sa panunuod.

"Tssss, ayoko na nga nyan!" binaba niya yung controller at mukhang naiinis. Umupo siya sa may kama at ibinaon niya yung mukha niya sa unan.

"Huy, chill ka lang Kit-kath!" tinapik ko siya sa balikat niya.

"Tssss. Kakainis naman eh! Ako lang naglalaro, laro kasi tayo." pangungulit niya pa.

"Tara oh, Tekken tayo." pagyayaya ko. Magaling ako dun eh. Lagi kong nilalaro yun dati, pero hindi na masyado ngayon.

"Game! Game! Playstation tayo!" pumayag naman siya. Alam ko namang hindi siya natanggi sa mga hamon.

Sinet-up ko na yung playstation.

May naisip ako.

"Deal tayo? Kung sino manalo may premyo!" sabi ko sa kanya.

"Game oh! Deal!"

Naglaro na kami. Ineenjoy ko lang, samantalang si Kath eh gigil na gigil na dun. Hahaha!

"Uy, baka masira controller ko niyan!" pabiro kong sabi. Stressed out na siya masyado. Masyadong seryoso. Gusto akong matalo.

"Hindi ako papatalo sayo." tumingin siya sa akin at dinilaan ako. Ang kulit lang niya.

"Sino nagsabi? Hahaha, yung deal ah." pagkasabi ko nun ay natalo ko na siya. Tinignan ko siya at nginitian. Ngumuso siya.

"Ugh! Talo ako!" tumayo siya at binaba yung controller. "Kainis!"

"Pano ba yan? May premyo ako." pagpapaalala ko sa kanya. Deal yun eh.

Napaisip siya at bumuga ng hangin. "Okay. Ano ba yun?"

Ano nga bang premyo ko? Napaisip ako.

 Kalokohan muna. Hahahaha! Matagal ko nang hindi naaasar si Kath. Miss ko na to!

Tinuro ko yung labi ko. Biro lang tong gagawin ko. "Kiss."

Nanlaki yung mga mata niya. "Asa!"

Lumapit siya sa akin at kinurot yung ilong ko. "Kalokohan mo!"

Napatawa ako. "Joke lang naman! Pero gusto mo, totohanin mo na." pagjojoke ko ulit.

Namula siya at tinignan ako ng masama. "Ewan nga DJ!" akma siyang babatukan ako.

Hinawakan ko ang wrist niya para mapigilan siya. Ginamit niya naman yung kabila niyang kamay para kilitiin ako sa may bewang ko. 

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon