Chapter 33

25.6K 289 24
                                    

Chapter 33

Kath's POV

"Kapalit? Ano?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sumali ka sa laban ng volleyball. Girls vs. Boys."

Sus? Yun lang pala eh. Chicken.

"Yun lang pala eh!"

"Oo nga, basta masusunod yung wish ng team na mananalo." sabay smirk niya.

"Oo naman, maghanda na kayong matalo." pagyayabang ko. Hayaan niyo na, minsan lang ako magyabang.

***

"OO NA. KAMI NA TALO. ANO BA KASING KAILANGAN NAMING GAWIN?" asar na tanong ko.

Nakakainis talaga! Edi yung mga boys na panalo. Ayaw pa magpatigil ni unggoy sa panunukso.

"Hahahahahahaha! Sabi sa inyo matatalo kayo eh." 

Teka, bakit ang hangin? Wait, andito nga pala si unggoy. Hahaha.

"Oo na, kami na talo. Losers at kung ano pang gusto mong itawag. Ano na nga kasi yung dapat naming gawin?" iritadong sabi ko sa kanya.

 "Simple lang. Mag-impake na kayo. Pupunta tayo sa Tagaytay bukas." sabi ni unggoy sabay ngiti.

Ah, so akala ko evil yung plano niya. Hahaha.

"Okay, basta ba libre mo eh." sabi ni Julia.

"Libre ko yung place, magdala kayo pera niyo. Si Kath lang lilibre ko noh." sabi niya sabay akbay sa akin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ang daya eh." sabi ni Neil sabay pagkakamot ng ulo.

"Siyempre, mahal ko si Kath eh." sagot naman ni DJ. Malamang, kinilig ako. Kelan pa ba ako hindi kinilig sa mga banat niyang ganun?

"Okay, kung ganun lang naman pala ang batayan, edi ililibre ko din si Julia ko." sabi ni Diego tapos naghiyawan kami. Pinalo lang siya ni Julia.

"Pano ba yan, Mocha? May manlilibre na sa akin." sabi ni Kiray.

"Aba, siyempre naman! Ikaw pa!" sagot ni EJ tapos kiniss siya ni Kiray sa cheeks.

 "OKAY. EDI ILILIBRE KO SARILI KO." hirit bigla ni Neil tapos nagtawanan na naman kami. "OP na naman ako. Kayo na may mga love life."

***

Nandito kami ngayon sa van, papunta ng Tagaytay. Maaga pa, mga 6AM pa lang. Si DJ ang nagplano ng lahat, siya din nagbayad. Yaman niya eh.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon