Chapter 15
Kath's POV
OH EEEEM! Ako ba talaga to? Ako? Yung babaeng maganda?!
"Ako ba talaga yan? YAN?" sabay turo ko dun sa salamin.
"Oo nga! Ang ganda ganda eh!" tuwang tuwa si Julia.
"Galing talaga namin eh." wow. Edi si Kiray na proud na proud.
[FAST FORWARD]
Pumunta na kami sa mall, ibang mall. Hindi yung pinuntahan namin kanina. Doon daw kami magkikita-kita ng boys.
"Nako, bes. Pag nakita ka nila, magugulat silang lahat. As in!"
"Oo nga, Kath. Ganda mo talaga." dagdag pa ni Kiray.
"Ewan nga."
Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ano naman kayang magiging reaksyon nila? Ni Daniel? Ewan lang.
Nakita ko na sila, naghihintay. Nung papalapit na kami, lahat sila nakatingin sa akin.
"KATH, IKAW BA YAN?!" sabay na sabi nila EJ, Neil, at Diego.
Anong reaksyon ni Unggoy? Ayun, napatunganga na lang. HAHAHAHA.
"Oo. Bat ganyan reaksyon niyo?" natatawa ako.
"Mga dude, chix oh. Hahaha. Pasalamat ka tropa kita, kundi niligawan na kita." sabay akbay sa akin ni Neil.
"Baliw!" sabay kiliti ko sa kanya sa bewang.
"Wooooo! Ligaw? Ikaw? Torpe mo kaya!" hirit naman ni EJ.
Sinuntok ng pabiro ni Neil si EJ sa may braso sabay tawanan nilang lahat.
"Di nga, Kath. Ang ganda mo. Ang galing talaga ni Vanilla!" sabay akbay ni EJ kay Kiray.
"Level up ka na Kath! Kaso, hindi pwede. May Julia na sa puso ko eh." awww, mga banat nitong si Diego eh. Tapos umakbay siya kay Julia.
Pulang-pula si Julia tapos nagkantyawan yung lahat.
Nagkakamabutihan na nga pala sila, si Julia at Diego. So yun, ang saya.
"Eh ikaw DJ? Wala ka bang masasabi sa bestfriend ko?" may matching taas pa ng kilay tong si Julia.
"Oo nga. Kanina ka pa tulala diyan. Nabighani masyado?" tawanan ang lahat sa sinabi ni Kiray.
"Kath, you look.... BEAUTIFUL." may pause pa bago niya nasabi yung beautiful.
Feeling ko namumula ako. Ugh.
"AYUN NAMAN OH!" biglang hirit ni EJ tapos iritan yung buong tropa.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?