Chapter 38
Daniel's POV
Para akong baliw na pangiti-ngiti dito. Katext ko kasi si Kath. Para tuloy akong wala sa Earth.
From: Kit-kath <3
Hahahaha. Uy kumain ka na. Alam kong matakaw ka. Wag magpalipas, bawal magkasakit. :D
Oo, alam kong simple lang yung sinabi niya, pero concerned siya sa akin. Tuwa na ko nun.
To: Kit-kath <3
Yes boss! Ingat ka ah, papakasalan pa kita.
Natatawa akong mag-isa sa banat ko eh. Ang korni ko lang. Hahaha.
"Tama na text diyan, DJ. Kain na daw tayo sabi ni mommy." lumabas si Zharm mula sa kitchen at tinawag ako.
Oo nga pala, bumisita kami kina Zharm ngayon, kasama ko sina Kuya JC at mommy.
"Pano ba naman hindi mabu-busy, may katext na mahalaga." panunukso ni Kuya at tinignan ko na lang siya ng masama.
"Sino? Sino?" tanong ni Zharm.
"Secret!" sagot ko at saka ko siya yinaya papuntang dining area.
Kahit naman ganyan si Zharm, kahit na nagtapat siya dati, medyo close pa rin naman kami.
Gusto ko nga sanang maibalik yung dati naming friendship kasi hindi ko naman maiwasang mailang sa kanya.
Umupo kami sa dining table at katapat ko si Zharm. Nginitian ko na lang siya.
Sa totoo lang, miss ko na yung dating pagkakaibigan namin ni Zharm, yung mga panahong hindi pa siya nagtapat sa akin. Sobrang close kami noon.
Alam ko namang hindi ko na maibabalik yun. Hindi na ako pwedeng mapalapit sa kanya ng gaya ng dati. Ayoko kasing magpaasa. Ayokong makasakit.
Kumain na kami. Tapos nagsimula na silang magkwentuhan.
Samantalang ako, tahimik lang. Pinaglalaruan ko yung tinidor.
"Nako hijo, DJ. Binata ka na! Kamusta na?" narinig kong sabi ni Tita. Nilapag ko na yung tinidor at tumingin sa kanya.
"Ayos naman po." sagot ko. Yun naman talaga ang sagot sa tanong na kamusta diba. Haha.
"Eh, may nililigawan ka na ba? Ka-gandang lalaki eh." dagdag pa ni Tita.
Shoot. Ayan na yung tanong. Lahat sila nakatingin sa akin.
Napakamot ako ng ulo. Naririnig kong naghu-hum si Kuya ng My First Kiss.
"Ah, yun po? Eh--" hindi ko alam ang isasagot ko. Nakakahiya naman kasi yung mga tanong nila eh. Pati ba naman yun. Tapos andito pa si Zharm. Edi nasaktan yun.
Tumango si Tita. "Ah, meron. Hindi ko na lang muna aalamin pa." at saka siya ngumiti.
Nagpatuloy na ulit sila sa kwentuhan at nakikitawa ako paminsan-minsan.
Tumingin ako kay Zharm at nakakita ako ng lungkot sa mukha niya. Nakakakonsensya na makita mong may nasasaktan ka.
***
Tinatap ko yung mga paa ko.
Nakaupo ako sa sofa kasama ni Zharm.
Naiwan kaming dalawa dito.
Nakakailang nga eh, walang may gustong magsalita sa amin. Nakakabingi yung katahimikan.
"May nililigawan ka na pala. Congrats!" narinig kong bumulong si Zharm.
Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya, pero alam kong pilit lang yun. Hindi siya nakatingin sa mga mata ko.
"Zharm--" pagsasalita ko, pero wala na akong masabi pang iba.
"Ang swerte niya, minahal siya ng tulad mo." tumingin na siya sa mga mata ko, at hindi maitatago yung sakit na nararamdaman niya.
"You deserve someone better than me." hinawakan ko siya sa balikat. Naiiyak na siya.
Hindi ko kayang makasakit. Wala akong magagawa, hanggang friends lang kami.
Totoo naman yung sabi ko, matinong babae si Zharm. Dapat sana ay maghanap na lang siya ng iba, yung kayang mahalin din siya. Yung magsusukli sa pagmamahal niya.
Tumulo na ang mga luha mula sa mga mata niya at agad niya itong pinahid.
"Sorry, Zharm." sabi ko sa kanya. Wala na akong ibang masasabi pa sa kanya kundi isang sorry.
Tumawa siya at tumingin sa akin. "Ayos lang ako. Ang swerte niya sayo."
Nakatingin lang ako sa kanya.
"I'll try my best para makamove-on." dagdag pa niya.
Nag-nod lang ako.
Maya-maya pa, dumating na si Kuya at mommy at nagyayang umuwi.
Nakokonsensya talaga ako dahil kay Zharm. First time kong may masaktan.
Pero hindi ko naman pwedeng maging hadlang yun sa panliligaw ko kay Kath.
Mahal na mahal ko si Kath, at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para ligawan siya.
"I'll try my best para makamove-on."
Paulit-ulit kong naiisip yang sinabi sa akin ni Zharm kanina.
Sana nga, Zharm. Sana.
Wag na lang ako yung mahalin mo. Iba na lang.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?