Chapter 35

23.8K 236 25
                                    

Chapter 35

Kath's POV

Tapos na yung dare, pero bakit ganun?

Hinahangad ko na sana mas tumagal sana yung panahon na kami?

Palagi niyang sinasabi sa akin na willing siyang maghintay.

Alam ko naman na dadating din ang panahon na magiging kami. Yung for real.

Hinihintay ko lang kung kailan yung pagkakataon na dapat ko na siyang sagutin.

"Kit-kath! Halika na!" kinuha niya sa akin yung bag ko at siya na yung nagbuhat. "Tara, McDo tayo."

Tumango ako at sumama sa kanya. Sumakay kami sa motor niya.

Nakarating na kami.

"Ano order mo?" tanong niya.

"Hmmmm." nagkunwari akong nag-iisip. Acting lang! Haha! "Ano sa tingin mo?"

"Happy Meal." sagot niya at ngumiti ako. Ginulo niya lang yung buhok ko.

Kumain na kami.

Tinignan ko siya tapos napatingin rin siya sa akin at saka ngumiti. Nakaramdam ako ng butterflies sa tiyan ko tapos naalala ko yung iniisip ko kanina. Ewan ko pero nababagabag ako ng walang dahilan.

"DJ, hihintayin mo ba talaga ako?" tanong ko sa kanya. Parang out of the blue lang eh. Baka kasi bigla niya ulit akong layuan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wag naman sana, wag ngayong napamahal na ko ng sobra sa kanya.

Tumingin siya sa mga mata ko ng matagal. "Huh? Bat mo naman naisip yun?"

"Wala lang."

Napatawa siya. "Takot kang mawala ako?"

Napatahimik ako bigla. Oo, sobra.

Hinawakan niya yung kamay ko. "Wag kang mag-alala, Kit-kath. Never kong gagawin yun. Hihintayin ko ang oo mo. Hindi ko gagawin yun ng walang dahilan, tandaan mo yan."

Napahinga ako ng malalim at saka napangiti. Kahit papaano, gumaan yung loob ko ng dahil sa sinabi niya.

"Sigurado ka? Hindi ka magsasawa sa akin?" makulit ako eh. Paulit-ulit lang.

Kinurot niya yung ilong ko. "Bat ba ang kulit mo? Hindi nga. Mahal kaya kita."

Tumawa ako. Kinuha niya na yung bag ko at tumayo.

"Okay na Kit-kath? Baka sabihin nung iba PDA tayo."

"Yep. Halika na!" masiglang sabi ko tapos lumabas na kami.

***

Daniel's POV

Nakakatawa talaga. Bakit ba kasi super hyper ni Kath ngayon? Para na naman siyang bata.

Okay, nandito na naman kami sa playground ngayon. Nagyaya siya eh.

"DJ DJ! Tulak mo swing ko! Haha!" tapos hinila niya ako papunta doon sa swing tapos umupo na siya.

"Kala ko ba takot ka sa swing?" nagtatakang tanong ko. Umiirit pa nga siya nung huling beses eh.

"Eeeeeeh! Hindi na ngayon! Daliiii!" tapos tinignan niya ko na parang nagpapaawa.

Eh kakaiba yung charm niya eh. Makakatanggi ba ko?

"Sabi mo eh. Kumapit ka ah." pagpapaalala ko tapos tinulak ko na yung swing niya.

Siya naman, mukhang enjoy na enjoy. Masaya na ako sa ganun, basta ba masaya siya eh.

Napagod ako, tapos umupo na lang ako sa katabing swing.

"Napagod ka ba? Sorry mabigat ako eh." bulong niya sa akin.

"Ha? Hindi naman."

"Sexy kasi tayo parehas eh! Hahahaha!" tapos nagtawanan kami parehas.

"Ikaw, pagod ka na ba?" tanong ko sa kanya. Siya yung hyper eh.

"Hindi! Laro tayo ng wii!" Ha? Hindi pa siya pagod at may gana pa siyang mag-wii? "Please DJ!"

Tapos pinairal niya ulit yung pagiging charming niya. Hindi na naman ako makatanggi.

"Sige. Saan?"

"Sa inyo! May wii ka di ba?"

"Oo, tara."

"Yay! Salamat DJ!" lumapit siya sa akin at nag-cling sa may braso ko. I guess ganun talaga siya pagnaha-hyper.

Sasakay na sana kami ng motor nang may sumigaw.

"GORIIIIIIIIIIII!" napalingon kami ni Kath.

Tumatakbo yung babae papalapit sa amin. Familiar yung mukha niya eh. Wait wait. Wag niyong sabihing si--

"Gori! Gori!" lumapit yung babae sa akin at niyakap ako. Naramdaman kong napabitaw sa akin si Kath.

"Gori, sino siya?" tapos tinuro niya si Kath.

 "She's a special person." sagot ko at napahinga ako ng malalim.

"Now tell me, why are you here Zharm?"

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon