Chapter 42

22.7K 249 35
                                    

Chapter 42

Kath's POV

"Seryoso, Kath? Wala ka talagang balak bawiin yung sinabi mo kay DJ?" tanong sa akin ni Julia.

"Wala." sagot ko na naman. Nakakainis naman tong si Julia eh. Medyo maayos na mood ko, pinaalala pa. Naiiyak na naman tuloy ako.

Mamaya na yung flight niya. Pinag-iisipan ko kung babawiin ko. Pero wag na lang, magdrama pa ko dun sa airport.

Masakit man, kailangan ko na siyang kalimutan. :'(

Iisipin niyo na sinayang ko lang ang lahat.

Pero ayoko na, sawa na akong ipaglaban pa.

Ayoko ng may masasaktan.

"Beeeeeees! Wag mong patutuluin yang luha mo! Masisira make-up!" pag-scold sa akin ni Julia.

"Sino ba kasing nagsabi na sasama ako diyan sa JS na yan!" galit na sabi ko.

Ayoko namang sumama eh!

Walang kwenta. Hindi ako mag-eenjoy! Wala akong date! Wala siya. :'(

"Bat ganun, Julia? Kung kelan magiging masaya na kami, doon pa kailangan magkaganito?" naramdaman kong tumulo na yung luha ko.

Agad kong pinunasan iyon ng may halong pag-iingat. Papagalitan pa ako ni Julia eh.

Nafu-frustrate ako ng sobra. Pag naiisip ko kasi siya, hindi ko mapigilang umiyak. Pakiramdam ko ang hina hina ko.

"Magiging maayos ang lahat, bes. Naniniwala ako." ngumiti siya at tinap ako sa shoulder.

Sana nga. Sana.

Kahit na alam kong halos imposible naman yun.

May kumatok sa pinto. Alam kong si Yaya yun.

"Bakit po, Ya?" sabi ko.

"Andiyan na po si Sir Diego." sagot niya.

Tumingin ako kay Julia at naglight-up yung mukha niya.

May date siya. Buti pa siya.

"Bababa na po kami." sabi ko kay Yaya.

Umalis na rin si Yaya. 

Hinawakan ni Julia yung kamay ko. "Don't worry, Kath. Everything will be alright."

***

"Miss, sayaw tayo?" may nagtanong sa akin.

Pang-16 na siyang nagtanong sa akin niyan ngayong gabi. Nakakairita na.

"Sorry, pero ayokong sumayaw eh." sagot ko naman.

Umalis na yung lalaki. Mukhang nalungkot.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon