Chapter 29

25.4K 272 22
                                    

Chapter 29

Kath's POV

"Oh?! WAAAAAAAAH. Kinikilig ako! Grabe!" tapos hinampas ako ni Julia ng unan. Pinagpapasensyahan ko na lang. Ganyan talaga kiligin ang bestfriend ko eh.

"Aray! Masyado naman!" pagrereklamo ko. Nakakailang hampas na rin siya sa akin eh. Normal lang na magreklamo ako. Pero natatawa talaga ako sa reaksyon niya. Parang mababaliw na eh.

Kinwento ko lang naman sa kanya yung ginawang pagtatapat sa akin ni DJ kagabi, tapos pinaghahahampas niya na ako. Never-ending kilig na ang nangyari sa kanya.

"Sabi ko naman sayo eh! Meant to be talaga kayo ng Prince Charming mo!" tukso niya pa sa akin.

"Che, prince charming ka diyan!" tapos binato ko sa kanya si Mr. Brightside.

Pinulot niya si Mr. Brightside. "Binabato mo lang to, eh puno yan ng pagmamahal!" tumawa siya at inabot sa akin yung teddy bear.

Niyakap ko na lang yung bear. Naalala ko yung sweetness ni Daniel. Binili niya pa to.

"E sis, gusto mo naman siya diba?" tanong ni Julia sa akin.

Oo, gustong gusto ko siya. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito.

"Ewan." sagot ko sa kanya. Ewan ko ba, pero parang nahihiya akong aminin.

"Sus! Tanggi pa eh! Ano nga? Ano? Ano?" tapos niyugyog niya yung braso ko. Ganyan siya mangulit. Tinignan niya lang ako habang naghihintay ng sagot.

Huminga ako ng malalim. "Oo." bulong ko.

Tapos naglight-up yung face niya. "Yun naman pala eh! Kelan pa?" tanong niya pa sa akin.

"Dati pa." bulong ko habang nakatungo. Hindi ko akalaing mapapaamin ako ng ganito.

"Sus naman ikaw! Pakipot pa! Alam ko namang gusto niyo ang isa't isa dati pa eh!"

Oo na, siya na tama. Manhid ko kasi eh.

***

"Oy DJ! Wala kang sinasabi na nagtapat ka na pala kay Kath!" hirit ni Neil sabay suntok ng mahina sa may braso ni DJ.

Ang daldal talaga ng bestfriend ko! Naikwento na ata niya sa buong tropa yung tungkol sa amin ni unggoy. Nahihiya naman ako.

Break namin sa Volleyball Practice. Siyempre kasama ang buong barkada at si Coach.

"Ay, tama ba yang naririnig ko?" tanong ni Ms. Ortega. "Pati si Kath may lovelife na?" tapos nginitian niya ako at kiniliti sa may bewang.

Hindi na lang ako umimik pa. Ngumiti na lang ako.

"Opo, Coach! Bagay sila di ba?" sabat naman ni Julia.

"Manligaw ka na kasi DJ! Para naman maging happy couple na rin kayo gaya namin ni Mocha at ni Julia at Diego!" sabi ni Kiray.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon