Chapter 6

29.8K 288 13
                                    

Chapter 6

Kath's POV

Ha? Bagong ka-team?

Di ko ine-expect to ah. Sana magkaayos siya at ang tropa.

"Okay, guys. Wag naman kayong masyado magulat. Be nice, okay?" sabi ni Coach.

Parang kinakabahan na ewan ang buong tropa. Nagkakatinginan.

"Hijo, come here" pinalapit ni Coach yung bago naming ka-team.

Lumapit yung lalaki. Medyo nahihiya pa nga eh.

"Guys, here's your new team mate. Introduce yourself, hijo."  nginitian ni Coach yung lalaki.

 "Hi. I'm Diego." ngumiti siya pero parang nahihiya.

Nakangiti yung lahat pero nag-oobserba kay Diego. Sana mabait to.

Daniel's POV

 Okay. So siya yung bago naming ka-team. Mukhang matino naman.

"I will divide you guys into two groups okay? Simula ngayon ay magte-train na kayo kasama ni Diego."

"Diego, ka-group mo si Kath at EJ."

ANO?! Di ko ka-group si Kath ngayon? At yung Diego pa yung ka-team niya? Ugh, bakit?

"Hindi pwedeng magka-team si Daniel at Kath, since kayong dalawa ang pinakamagaling." parang alam ni Ms. Ortega yung nasa utak ko. Haaay.

"So sina Kiray, Daniel, Julia, at Neil yung sa kabilang grupo."

Thank you Coach ha. Ang saya saya ko na kanina eh.

Nakita kong nakipagshake-hands si Kath kay Diego. Nag-uusap pa sila, parang ang saya-saya nila.

Samantalang pag ako naman yung kasama niya eh hindi naman siya ganun.

Kakaiba nararamdaman ko ngayon.

Nagseselos ka lang kasi.

Hindi ah. Pero... parang ganun na nga. Badtrip.

Kath's POV

 Mabait naman pala tong si Diego eh. Gwapo pa.

Ok, baka kung ano isipin niyo. Gwapo siya, pero di ko crush. Friends lang talaga. Wala ng sosobra pa. 

Ang sarap lang kausap. Di katulad ni unggoy. 

Wait, bakit ko ba sila kino-compare? AY EWAN NGA. Nahihibang na siguro ako.

Speaking of the monkey, napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya samin ni Diego...

at parang nalulungkot? Teka teka, si DJ ba talaga tong nakikita ko? Parang nakakapanibago ha.

[FAST FORWARD]

Tapos na yung practice at umalis na rin si Diego.

Bulungan na naman ang tropa tungkol sa bagong ka-team.

Pagod na pagod na ko. Umupo na lang muna ako sa isang tabi. Tumabi naman sakin yung unggoy.

"Kamusta naman yang kamay mo? Diba may sugat?" tanong niya.

"Hindi. Ayos lang naman eh. Salamat nga pala dun sa band-aid." ngumiti na lang ako. Nakakapanibago. Di kami nag-aasaran.

"Ah, baka naman gumaling na. Palibhasa hinawakan ni Diego." seryoso siya.

"Ano ba naman yan DJ. Yun lang eh. Siyempre nagpapakilala."

Ano ba tong unggoy na to. Wala talagang utak. Pati ba naman yun. Nakakairita. Ang awkward tuloy ng sitwasyon namin.

Buti na lang at lumapit sakin si Julia. Umalis na muna yung monkey. Hay buti naman.

"Bes, ang gwapo ni Diego noh?" Gosh. Nakinang yung mata niya. Hindi ako magtataka kung  biglang may lumabas na sparks sa katawan niya.

"Ah, oo naman. Crush mo?" 

"Hindi pa naman. Pero... ewan ko." nagbu-blush siya. Mukhang kamatis. Hehehehehe. Cute.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon