Chapter 17
Daniel's POV
Magkasabay kami ni Kath papunta sa classroom. Madaming nakatingin sa amin at naririnig kong nagbubulungan yung mga tao sa paligid.
"Uy, sino yung babae?" may narinig akong nagtanong doon sa kaibigan niya.
"Ewan ko, pero balita ko girlfriend daw ata ni Daniel." sagot nung kaibigan niya.
"Oh? New student ba? Pero parang familiar yung mukha niya." sabi pa nung isa.
"Ewan ko rin eh. Pero familiar talaga yung mukha niya. Swerte naman niya. Kay Daniel pa. Haaaaay."
"Oo nga eh. Pero wala naman tayong magagawa. Saka bagay naman sila eh."
Kunwari hindi ko naririnig. Pero natatawa ako sa mga pinagsasabi nila. Sineryoso talaga nila yung sinabi kong boyfriend ako ni Kath ah. At bakit ang bilis kumalat?
Pagpasok namin ng classroom, nakatitig pa rin sa amin yung mga tao. Nakakailang na.
Sabagay, pagtitinginan talaga kami. Kasama ko ba naman ang mas gumandang Kath.
[FAST FORWARD]
Palagi kaming magkadikit ngayong araw ni Kath kaya hanggang hapon ay pinagtitinginan pa rin kami. Nalaman na nila na si Kath yun at hindi sila makapaniwala. Masyado ata silang nabighani.
Madami na kong kaagaw nito. Kaasar. Pero yun nga ang dahilan kaya hindi ko hinihiwalayan si Kath buong araw eh, para sure na walang admirers na makalapit.
Oo na, ako na overprotective. Hindi naman kasi ako makakapayag na may makaagaw sa prinsesa ko.
Volleyball practice na. As usual, todo enjoy na ulit kami.
Mas madaming nanunuod ng practice namin ngayon. Ang dami talagang nahakot na admirers nitong si Kath eh. Ganun katindi ang naging pagbabago sa kanya.
"Guys, group meeting muna tayo." sabi ni Ms. Ortega at nag-form kami ng isang bilog.
"May laban tayo next week." pagpapatuloy ni Ms. Ortega.
Sabay sabay kaming tumango.
"Okay po, walang problema." sabi ni Kiray.
"Hindi naman laban ng volleyball eh, iba ngayon." sabi ni Ms. Ortega.
Nagtaka ang lahat.
"E laban naman po ng ano?" tanong ni Diego.
"Labanan ng mga players, pero hindi sa laro. Mga muse and escort lang. May halong talent show."
"Po? Eh wala naman tayong muse and escort eh." sabi ni Julia.
"Kaya ko nga kayo kinausap eh, kasi pipili tayo ng representatives natin." tapos ngumiti si Ms. Ortega sa amin ni Kath.
WAIT, WAIT, WAIT. May ibig sabihin yung ngiting yun eh. Tapos nagtinginan silang lahat sa amin ni Kath.
"Okay, coach. Gets na namin." tapos nag-thumbs up si EJ.
"Ha? Ano yun?" parehas lang kami ni Kath na nagtataka.
"E ano team, payag ba kayo na sina DJ at Kath ang gawin nating representative?" tanong ni Ms. Ortega.
Nagkatinginan kami ni Kath at nanlaki yung mga mata niya. Napakamot na lang ako ng ulo.
"Yes coach! Sure na sure!" tapos nakipag-apir si Kiray kay EJ.
"Yieeeeee! Bagay!" tapos siniko ako ni Neil.
"Opo coach. Ano pa bang magagawa namin?" napahinga ng malalim si Kath.
"Yes po." tapos nginitian ko siya.
Hindi ko na mapigil ang excitement ko.
Lalo na dahil si Kath ang ka-partner ko.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]
FanfictionHanggang saang level naman kaya ng pagpapansin ang gagawin niya para maipahiwatig ang tunay na nararamdaman niya? At pano kung mahulog ang loob ng taong mahal niya sa kanya? Nagsimula ang lahat sa asaran, matutuloy kaya ito sa pagmamahalan?