Chapter 24

28.4K 323 16
                                    

Chapter 24

Kath's POV

Ngayong araw ang contest na sasalihan namin ni Daniel. Mamaya pa yun pero ngayon pa lang ay inaayusan na ako. Pumasok si unggoy at nagthumbs-up siya sa akin. Tapos umupo siya.

"O ano? Ready ka na?" tanong niya sa akin.

"Ah, oo naman. Ikaw ba?"

"Siyempre. Ako pa!" pagyayabang niya.

"Siguraduhin mo lang. Mamaya ka na bumalik dito. Mag-ayos ka na." sabi ko sa kanya.

Haaaaaay. Nakakakaba. First time kong kakanta sa harap ng madaming tao.

[FAST FORWARD]

Tapos na akong ayusan. Lumabas na ako at nakita ko si Daniel. 

Wow, siya na talaga gwapo. Naka-red long sleeves shirt siya na stripes tapos tinaas niya yung sleeves hanggang elbow niya. Ang cute lang. Siya na magaling magdala ng damit.

Nakita niya ako tapos ngumiti siya.

"Ano nginingiti-ngiti mo diyan?" pagtataray ko sa kanya.

"Wala. Ang ganda mo." sabi niya sa akin. Hmp, mambobola.

Daniel's POV

Nandito lang ako sa may living room nila Kath at naghihintay.

Ang tagal ah, kanina pa yun inaayusan eh.

After ilang years, lumabas na din siya.

 Tapos tinamaan ako ng pana ni kupido sa puso.

Hahahaha. Grabe, ang ganda ni Kath.

Naka-red na casual dress siya tapos wedges.

Yun, nakakainlove. Imaginin niyo na lang. Para siyang sasali ng beauty contest. Ganun.

Nginitian ko na lang siya.

"Ano nginingiti-ngiti mo diyan?" pagtataray niya sa akin.

"Wala. Ang ganda mo." sabi ko. Totoo naman eh.

Hindi na siya sumagot pa tapos pumasok na kami sa sasakyan at pumunta sa venue ng contest.

[FAST FORWARD]

Nakaupo kami sa backstage ni Kath at naghihintay ng turn namin na mag-present. Kami na yung susunod. Tinignan ko siya.

"Uy, ayos ka lang?" tanong ko. Halata kong kabado siya.

"Kinakabahan ako." sabi niya.

"Yaan mo, nandito lang ako!" 

Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Narinig kong tinawag na kami.

Humawak siya sa braso ko.

Ikaw ang destiny ko. ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon